Showbiz News

David Licauco, inaming ultimate K-drama crush si Kim Da-mi ng 'Itaewon Class'

By Aimee Anoc

Sa muling pagpirma ni David Licauco ng kontrata sa GMA Network noong Miyerkules, July 7, naikuwento niya ang Kapuso actresses na pangarap niyang makatrabaho sa hinaharap.

Nabanggit din ng dating Heartful Café actor ang ultimate Korean drama crush niya.

Isa si David sa Kapuso heartthrobs na hinahangaan ngayon ng marami dahil bukod sa guwapo, matipuno, negosyante, at isang atleta ay mahusay rin siyang aktor.

Hindi rin malayong maikumpara si David sa real-life Korean drama character ng kanyang mga tagahanga dahil sa mga katangian niyang ito.

Sa isang online interview, ibinahagi ng 26-year-old actor na tulad ng karamihan ay hinahangaan niya rin ang South Korean actors.

Sa katunayan, kung may pagkakataon daw ay nais niyang maging bahagi ng isang Korean production remake.

Nang tanungin kung sino ang ultimate K-drama crush niya, sinabi ng aktor ang bidang babae sa Itaewon Class na si Kim Da-mi.

"Gusto ko 'yung sa Itaewon Class. 'Yung maliit na 'yung short hair. Cute niya eh," paglalarawan ni David.

"Mahilig ako sa cute na babae," dagdag pa ng aktor.

Gustong-gusto niya rin ang K-drama na 'Itaewon Class' dahil kumukuha siya ng inspirasyon sa lead actor na si Park Seo-joon at ang karakter nito bilang si Park Sae-ro-yi.

"Sobrang nagustuhan ko kasi 'yung character niya sa Itaewon Class. Kasi, business-minded goal-getter and... 'yung acting kasi ng mga Koreans, 'yun 'yung medyo fino-follow ko," pagbabahagi ni David.

Tingnan ang businesses ni David sa gallery na ito: