GMA Logo donnalyn bartolome
What's Hot

Donnalyn Bartolome, masama ang loob sa nangutang sa kanya ng P1 million

By Aedrianne Acar
Published July 8, 2021 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

donnalyn bartolome


“Utang na P1 million, gone just like that," nanghihinayang na sabi ni Donnalyn Bartolome.

Ramdam sa Facebook post ni Donnalyn Bartolome ang panghihinayang na sa mismong birthday niya ay meron siyang hinaharap na problema.

Ibinahagi ng "Kakaibabe" singer ang nakapanlulumong balita tungkol sa taong nangutang sa kanya ng isang milyong piso at hindi raw nagbayad.

Pinili ni Donnalyn na huwag nang pangalanan kung sino ito.

Pero ibinahagi niya ang screenshot ng pag-uusap nila at makikita na sinabi ng nangutang na gagamitin daw ang pera bilang show money para sa bibilhing sasakyan.

Saad niya sa kanyang post, “Gandang birthday gift sa akin. Utang na 1 Million, gone just like that.

“This guy is not the only one na nakautang sa akin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba?"

Babala pa ng 26-year-old singer, "I'm posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko.”

Dagdag niya, “Kaya sa mga nagmemessage saakin na mutual friends. This is what happened to me.

"Worse is he lied to me about what he's going to use the money for at pinagkakalat pa niya na nakautang siya saakin. Anong trip mo.

“Tigilan niyo kakagamit sa name ko to ask other people for more money.”

Nagpaalala rin si Donnalyn sa comment section ng kanyang post sa mga taong nag-eedit ng screenshot at nagbabanggit ng pangalan ng kung sinu-sino at walang kinalaman sa nangyari.

Binigyan-diin niya, “Sa mga nageedit ng screenshot, at nagcocomment ng screenshot na fake, at name ng kung sino sino.

"May nadadamay na tao, wait ka LoDz baka ikaw mapakulong niyan. Delete delete na ng comment.”

Pag-uulit pa niya, “Pinost ko lang to para di na makaloko ng ibang inuutangan.

"If I'm selfish I would have waited 'til mabalik saakin ang 1M pake ko na sa ibang inuutangan niya.

“Pero hindi. Ang saakin dibale nalang ako nalang maloko. Wag lang iba ko pang friends. Stop using my name to ask for more money LoDz.”

Source Donnalyn FB

Source Donnalyn FB

Source Donnalyn FB

Source Donnalyn FB

Source: Donnalyn (FB)

Samantala, narito ang ilang sikat na vloggers at social media personalities at kanilang mga naipundar: