
Bago pa man sumabak sa Miss Universe 2020, marami na ang nakapansin sa pagkakahawig ni Rabiya Mateo kina Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup, Miss World 2013 Megan Young at sa First Yaya star na si Sanya Lopez.
Sa kanyang virtual interview sa Unang Hirit, ibinahagi ni Rabiya Mateo na ikinatutuwa niya ang makumpara sa mga nabanggit na beauty queens at artista.
"Nakakatuwa po kasi dati, before pa ako maging Miss Universe Philippines, napapanood ko na sila sa TV, nakikita ko na talaga sila. And ngayon, sinasabi ng tao na may resemblance," pahayag niya.
Agad niya naman itong sinundan ng revelation sa kung sino ang kanyang ultimate 'queen-spiration'.
"Actually, si Megan Young, siya po talaga 'yung queen-spiration ko. Siya po talaga 'yung ina-idolize ko sa lahat ng mga Miss Philippines natin. Kaya sobrang nakakatuwa po."
Ibinahagi rin ni Rabiya ang kuwento sa likod ng dinner photos niya kasama ang Hollywood director na si Cyrus Nowrasteh.
Ayon kay Rabiya, naghahanap daw ng female lead ang direktor para sa itinatahi nitong pelikula na balak niyang i-shoot sa Pilipinas.
"So nilatag lang po nila 'yung storyline, kung ano 'yung possible na maging role ko. Pero nothing is for sure. Pero hopefully, sana. Malay natin, 'yung first movie ko, maging hollywood movie na siya," dagdag ni Rabiya habang naka-crossed fingers.
Nitong Miyerkules, July 7, sinimulan na rin ng beauty queen ang kanyang career sa pagva-vlog.
Plano raw niyang gawing content sa mga susunod na vlogs kung ano nga ba ang buhay ng isang Miss Universe Philippines sa likod ng kamera.
Panoorin ang kabuuan ng kanyang 'queen-tuhan' interview sa Unang Hirit:
Bukod kina Shamcey, Megan at Sanya, sinu-sino pa nga ba ang iba pang ka-lookalike ni Rabiya? Tingnan sa gallery na ito: