Showbiz News

What keeps Bea Binene busy? Find out during her Live Chat on July 17!



Hang out with Kapuso actress Bea Binene at alamin ang kanyang mga latest na kinabi-busyhan, sa kanyang pagbabalik sa GMANetwork.com Live Chat on July 17, Tuesday. Mula 2 p.m. to 4 p.m., makikipag-bonding at sasagutin ng pretty Kapuso actress ang lahat ng mga katanungan from her fans and chatters.
 
Bea first gained fame through Starstruck Kids (2004), kung saan nakasama siya sa final 6. Hindi man siya naging mapalad sa talent search, kinakitaan ito ng ibayong galing sa pag-arte kaya’t nagtuloy-tuloy ang kanyang journey sa show business bilang isang child star. Dahil na rin sa kanyang pagiging bibo, naging regular host siya ng Lovely Day mula 2004 hanggang 2009.
 
Noong 2011, sunod-sunod din ang naging mga proyekto ni Bea. She appeared in Mars Ravelo’s Captain Barbell (2011) playing the acrobatic side-kick, Blade. Aside from that, nagkaroon siya ng major appearance sa Pahiram ng Isang Ina at Spooky Nights sa parehas na taon. Kasama rin siya sa cast ng pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote (2011) at  Tween Academy: Class of 2012.
 
Tila 2012 ang blessed year ni Bea, dahil nagbigyan ito ng lead role sa early primetime block na Alice Bungisngis and her Wonder Walis where she played the title role of Alice. Aside from that, napabilang din siya sa cast ng nakakakilig na Reel Love Presents: Tween Hearts, as the tough Belinda Fortes.

Currently, Bea is a regular host of Good News Kasama si Vicky Morales sa GMA News TV, at mainstay din siya ng grandest and hippest party show in the Philippines na Party Pilipinas. Siya rin ang gaganap na Luna sa second generation ng first multi-generational fantasy drama series ng GMA Network na Luna Blanca.
 
Sa dami ng mga naging shows at mga role na ginampanan ni Bea, ano pa kaya ang mga projects na gusto niyang pasukin in the future?
 
Makipag-chat at alamin ang  latest na kinabi-busyhan ni Bea Binene sa GMANetwork.com on Tuesday, July 17 from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. Log on to www.gmanetwork.com/livechat to take part in this exclusive event.