Showbiz News

Ysabel Ortega gets stamp of approval from 'Here's Your Perfect' singer Jamie Miller  

By Jansen Ramos

Bukod sa pagiging magaling na aktres, may ibubuga rin sa pagkanta ang Voltes V: Legacy star na si Ysabel Ortega.

Sa katunayan, napabilib niya ang Welsh musician at The Voice UK 2017 third runner-up na si Jamie Miller nang sumabak si Ysabel sa 'high note' challenge sa TikTok para sa bagong single ng foreign singer na "Here's Your Perfect."

Napa-comment si Jamie ng apat na flexed biceps emoji sa TikTok video ni Ysabel na nagpapahiwatig na successful ang pag-abot ng Kapuso star sa mataas na nota ng kanta.

Sa loob lamang ng isang araw matapos itong i-upload, nakakuha na agad ang post ng mahigit one million views.

May mahigit 281,000 likes at 1,950 comments na rin ito sa trendy short-form video app.

@ysabelortega_

##heresyourperfect ##heresyourperfectchallenge

♬ original sound - Ysabel Ortega

Kamakailan ay nag-viral si Ysabel dahil sa kanyang stunt training para sa highly-anticipated live-action series na Voltes V: Legacy.

Dito ipinamalas ng anak nina Lito Lapid at Michelle Ortega ang mga natutunan niya sa martial arts at combat sports bilang paghahanda sa kanyang role as Jamie Robinson ng Voltes V team.

Sa ngayon napapanood si Ysabel sa weekly variety show na All-Out Sundays.

Tingnan ang glow up transformation ni Ysabel dito: