GMA Logo David Licauco business
What's Hot

David Licauco, may payo sa mga gustong magsimula ng negosyo

By Maine Aquino
Published July 14, 2021 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco business


Alamin ang payo ng Kapuso actor at food entrepreneur na si David Licauco sa mga nais ring magsimula ng negosyo.

Bukod sa pagiging aktor at model, isa ring businessman si David Licauco.

Nitong July 9, muling nagbukas ng isa pang food business si David. Ang 25th Burgers ay kaniyang bagong negosyo at ka-partner niya rito ang isa pang aktor na kilala sa food business na si Marvin Agustin.

Sa kanyang GMANetwork.com interview, nagbahagi si David ng payo sa mga nais ring magsimula ng kanilang sariling negosyo.

Saad ni David, "I think kailangan nilang maghanap ng good product.

"Let's say itong soda, kung masarap 'yan, subukan mong gawing business. Kung meron kang ginagawang sisig na masarap, may ginagawa kang burger, or magaling kang magmasahe, subukan mong gawing business."

David Licauco

Photo source: @davidlicauco

Para kay David, importante na kapag may business idea ang isang tao ay huwag matakot na gawin na ito.

"Kailangan lang talagang always mag-isip and laging mindful at gawin mo na. Kasi marami kasing tao na they have the idea but hindi nila ginagawa. Siguro they're scared to fail."

Payo niya, gawin na ang unang proseso sa pagsisimula ng isang negosyo dahil matututunan naman ang susunod na mga hakbang para rito.

"Kung ako sila gawin na nila 'yung first step. I'm pretty sure along the way naman matututunan nila kung paano mag-business."

Binigyang halaga rin ni David ang pag-aaral sa negosyo.

"Aral din kasi importante rin talaga 'yung aral. Without it, hindi mo alam 'yung business kung paano mag-marketing, kung paano mag-operations."

Sa huli, sinabi ni David na huwag mabahala sa pagbubukas ng negosyo.

"Basta gawin na lang nila. Basta gawin nila kung may magandang produkto, may magandang services, go for it."

Tingnan ang mga negosyo ni David sa gallery na ito: