Showbiz News

Jillian Ward wows netizens with her hourglass figure

By Aimee Anoc

Libu-libo ang napahanga ni Prima Donnas star Jillian Ward sa bago niyang Facebook profile picture kung saan ay nakasuot siya ng puting mini-dress habang ipinapakita ang kanyang hourglass figure na katawan.

Ika nga ng admin ng kanyang Facebook page, "million dollar legs."

Malayo na rin ang aktres sa kanyang cute at charming image sa Trudis Liit na pinagbidahan niya noong 5-year-old pa lamang siya.

At this writing, mayroon ng mahigit 568,000 reactions, 18,000 comments at 5,200 shares ang profile picture ni Jillian. Umabot na rin sa 13 million ang followers niya sa Facebook.

Ginaya naman ng isang netizen ang post na ito ni Jillian at nagsuot ng pink mini-dress na ibinagay niya sa kulay ng handbag.

"Payong kaibigan kumareng Jillian Ward, may pinagbabagayan po 'yung bag thanks," sabi ni Limuel Pena Huet.

Samantala, marami ring netizens ang nakapansin sa glow-up ni Jillian at nang tanungin kung ano ang kanyang sikreto, sinabi ng aktres na, "Wala naman pong secret pero happiness po talaga.

"'Pag masaya ka po kasi, makikita po 'yun kahit sa physical appearance mo," dagdag pa ni Jillian.

Nagpapasalamat din ang aktres sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga hindi lang sa social media kung hindi maging sa kanyang mga teleserye.

Magkakaroon na ng katuparan ang second season ng Prima Donnas at marami na ring netizen ang excited para rito.

Balikan sa gallery na ito ang ilan sa magagandang litrato ni Kapuso actress Jillian Ward: