TV

Regine Velasquez, sasabak sa hosting!



Very excited ang versatile Kapuso actress-singer  na si Regine Velasquez, dahil this time she will be bringing her hosting skills to a deeper level.
 
Isa si Regine sa magiging host ng newest magazine show ng GMA Network na H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis), together with Raymond Gutierrez, Jennylyn Mercado and Roderick Paulate.  
 
Bagamat nakasama ng Kapuso actress-singer ang kanyang mga co-hosts sa iba’t ibang pagkakataon, ngayon lamang niya makakatrabaho sina Jen, Raymond at Roderick sa isang magazine talk show. “Oo nakakasama ko sila, pero si Jen kumakanta lang kami. Si Mond, nagkakakwentuhan kami  sa Party Pilipinas at si Kuya Dick naman nage-guest ako sa show niya noon. Dati pa ‘yon  noong 90’s, so it’s very exciting to be part of this show. Nae-excite rin ako kasi magbibigay ng opinion ang bawat isa sa mga issues. Syempre, iba-iba ‘yong tingin at opinion namin. Exciting ‘yon, kasi malalaman nila kung ano ang saloobin ng bawat isa,” says Regine.
 
Ikinuwento rin ng actress ang dahilan ng mabilis niyang pagpayat, dahil marami ang namangha sa kapansin-pansing pagbaba ng kanyang timbang. “Kasi naman, noong nagka-anak ako I could not go on a diet because I was breastfeeding. Pero  ngayong six months na si Nate, nag-stop na ako kasi ubos na rin ‘yong milk ko. So sabi ng asawa ko, mag-umpisa na akong mag-diet. In two months, mga 25 pounds na agad ‘yong nabawas sa akin! South Beach diet lang, tapos once in a while I do cleansing. Pero sa tingin ko,  ang formula ng diet ay determination!”
 
When asked if  possible ba itong sumali sa multi-sport event na triathlon dahil sa kanyang co-host na si Jen, ito naman ang naging pabirong sagot ni Regine. “Maiimpluwensiyahan niya ako, pero di ko rin gagawin! I think it’s a lifestyle so you have to like it. Pero ang sinasabi ko, importante ang physical activities. Yoga ang gusto ko  kasi it’s not strenuous. Aside from that, ‘yong breathing, kasi it helps me with my singing kaya ‘yon ang pipiliin ko.”
 
On baby Nate
 
Hands-on mom din si Regine when it comes to taking care of baby Nate.  “Sa amin natutulog si Nate eh, kaya ako ‘yong nag-aalaga sa kanya tuwing gabi, kasi ako ‘yong pang night shift. “
 
“Kapag mga 7 o’ clock in the evening,  binibigay ko siya sa yaya niya so I can take a nap para maalagaan ko siya ng 10 p.m. or 11 p.m. Up to now, medyo sleep deprived pa rin ako,” adds Regine.
 
Ngayong balik television na ang Kapuso actress-singer, inamin nito na siguradong mami-miss niya si Nate, kaya’t nag-a-adjust siya ngayon, dahil 'di siya sanay na nawawalay sa anak. "Naninibago lang talaga ako kasi, ‘yong mind ko nasa bahay, at ‘yong isip ko laging na kay Nate, at kung ano 'yong mga ginagawa niya."
 
Abangan si Regine Velasquez sa newest and hottest magazine talk show ng GMA Network na H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis) this August.