GMA Logo son ye jin
What's Hot

Son Ye-jin, nasorpresa nang malamang sikat siya sa Pilipinas

By Aimee Anoc
Published July 19, 2021 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

son ye jin


Abangan ang muling pagbisita ni 'Crash Landing On You' star Son Ye Jin sa bansa.

Hindi pa rin makapaniwala si Crash Landing On You star Son Ye-jin nang malamang sikat siya sa Pilipinas.

Source: yejinhand (IG)

Nagkaroon ng virtual fan meeting noong July 16 ang aktres at ibinahagi nito na hindi niya alam na sikat pala siya sa Pilipinas.

Kaya naman sobra ang tuwa at pasasalamat ni Ye-jin para sa kanyang Filipino fans.

Ibinahagi rin ng aktres na nais niyang muling bumisita sa Pilipinas at makapagbakasyon sa Boracay.

Matagal na raw kasi noong huli siyang bumisita sa bansa kasama ang kanyang pamilya.

Napangiti rin si Ye-jin nang balikan sila ng kabaitan ng mga Pilipinong nakasalamuha nila sa Cebu.

Kilala ang 39-year-old na aktres sa South Korea bilang "the nation's first love," at isa rin siya sa pinakasikat na artista ng bansa.

Ilan sa mga drama at pelikulang pinagbidahan niya na sumikat maging sa buong mundo ay ang Summer Scent, The Classic, The Last Princess, A Moment To Remember, at Crash Landing On You.

Sa katunayan, magkakaroon ng Philippine adaptation ang orihinal na series na pinagmulan ng A Moment To Remember. Ito ay pagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Inorganisa ng Philippine telecommunications company na Smart Communication ang naganap na Smart Hallyu Hangouts online fan meet ni Son Ye-jin, na siya ring latest endorser nito.

Samantala, muling bibida si Son Ye-jin sa upcoming romance drama na Thirty Nine, kung saan gaganap siya bilang dermatologist na lumaki sa isang mayamang pamilya.

Tingnan ang stunning photos ni Son Ye-jin dito: