
Puno ng bukingan ang recent vlog ni Carmina Villarroel dahil muli niyang nakasama sina Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen.
Sa bagong video ng Sarap, 'Di Ba? host sa kaniyang YouTube channel ay naglaro sina Carmina, Candy, Gelli, at Janice ng Never Have I Ever sa Batangas rest house ng Legaspi family.
Photo source: Carmina Villarroel-Legaspi (YouTube)
Ang topic na napunta kay Gelli ay never have I ever slept with a co-worker. Napaamin si Gelli na nagawa niya na ito dahil sa boyfriend niya na noon si Ariel Rivera.
Natatawang dugtong pa ni Gelli, "Baka kasi mapanood ng anak ko e. Pero, daddy n'yo naman 'to e."
Naitanong naman kay Candy kung siya ay nakapag-ghost na.
Pag-amin ni Candy, "Meron na."
Ipinaliwanag ni Candy, nang-ghost siya dahil sa ayaw niya raw ng makulit.
"Makulit. Ayoko ng makulit."
Itinanong ni Carmina kung bakit hindi na lang sinabi ni Candy na ayaw niya na. Sagot ni Candy, "Minsan sinasabi mo na, ayaw pa rin makinig."
Si Carmina ay sinagot naman kung nakipag-date na siya para pagselosin ang isang lalaki.
Natatawang pag-amin ni Carmina, "Huwag na, hindi naman artista 'yung ano."
Natigil naman at natawa si Janice nang nabunot niya ang "Never have I ever been cheated on."
Panoorin ang bukingan at tawanan nina Carmina, Candy, Gelli at Janice:
Silipin ang Batangas rest house ng Legaspi family kung saan nag-bonding sina Carmina, Candy, Gelli, at Janice.