Showbiz News

Marian Rivera tampok sa Tunay Na Buhay ng GMA-7



“Marimar,” “Darna,” “Dyesebel,” “Amaya”—ilan lamang iyan sa mga hindi malilimutang karakter sa mga telefantasya sa telebisyon. At sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Marian Rivera? Tubong Cavite, half-Spanish half-Filipino si Marian na isa sa pinakamaningning na bituin ngayon sa mundo ng showbiz.
 
Sa isang natatanging pagkakataon, tunghayan ang one-on-one interview ni Rhea Santos kay Marian sa Tunay Na Buhay, kung saan ikukuwento ni Marian ang naiibang side ng kanyang buhay na hindi pa halos naisisiwalat sa publiko.
 
Papaano nga ba nagsimula ang isang Marian Rivera? Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanang hirap para unti-unti niyang matupad ang kanyang mga pangarap? 
 
Abangan ang una pa ring pagkakataong makapasok sa bahay na kinalakhan ni Marian sa Cavite, at ang kauna-unahang interview ng kanyang nanay at lola. Ano-ano na rin ba ang mga investment ni Marian na naipundar niya mula sa pag-aartista?
 
 Ngayong Sabado ng gabi, kilalanin pa nang lubusan ang nag-iisang phenomenal star ng Kapuso network sa Tunay Na Buhay kasama si Rhea Santos, pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7.