
Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, tampok ang isang skin care journey na napurnada.
Usong uso ngayon ang tila-mala porselana na kutis ng mukha, kaya naman maraming mga produktong ang nagsisisulputan at nagbibigay pangako ng tinaguriang "glass skin" na kakinisan ng balat.
Marami ang kumakalat na beauty products na pag ginamit daw sa loob ng isang buwan ma-a-achieve na ang pinapangarap na glass skin.
Kaso ang journey to glass skin ng isang babae, nabasag?
Sinubukan ito ng isang overseas Filipino worker sa Singapore na si Berna.
Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Sobrang dami kong nakikitang mga picutures and videos ng mga gumamit nung product na naging maganda 'yung resulta sa kanila."
Matapos daw gumamit ni Berna ng isang set ng pampakinis ay nagbalat ang kaniyang mukha, namula, at nagkaroon ng mga pantal.
Ang buong akala ni Berna, normal lang na epekto ito ng bagong produkto sa kaniyang balat, 'yun pala, nagka-problema na ang kaniyang balat.
Ano kaya ang naging sanhi?
Panoorin:
Samantala, tingnan sa ibaba ang ilang male celebrities at alamin ang kanilang sikreto sa pagkakaroon ng healthy skin: