Showbiz News

John Vic De Guzman, todo ingat habang nasa training ng PH men's volleyball team

By Aedrianne Acar

Doble ingat ang six-foot-two spiker na si John Vic De Guzman habang nasa training ng men's national volleyball squad dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.

Matindi ang pag-aalala ng mga health expert at gobyerno sa panganib na dala ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19. Sa kabuaan may 1,517,903 COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas as of July 20.

Samantala, mahigit 4.7 million pa lamang sa ating mga kababayan ang fully vaccinated base sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa isang Instagram post, humingi ng paumanhin ang Kapuso hotlete na si John Vic sa kanyang mga tagahanga. Sa ngayon, kailangan niya munang tumanggi sa mga tao na nagpapa-picture sa kanya para makaiwas din sa nakakahawang sakit.

Paliwanag ng former Owe My Love actor, “Let's continue to pray that [the] pandemic will be over so we can have our pictures taken together soon. We sincerely apologize in advance as we are obligated to beg off any photo opportunity to adhere [to] bubble protocols for our safety so that we can continue to train virus-free. Sending virtual smiles and hugs to everyone for your utmost understanding. Maraming salamat po!”

Source: johnvicdeguzman (IG)

Kamakailan, ibinigay kay John Vic ang karangalan na maging team captain uli ng national squad.

Una siyang naging team captain nang sumali ang Pilipinas sa 2015 Southeast Asian Games na ginawa sa Singapore.

Muli siyang napili na pamunuan ang team sa 2019 Southeast Asian Games na idinaos sa Pilipinas.

Sa post ni John Vic, taos-puso ang pasasalamat niya sa tiwala na ibinigay sa kanya.

Wika niya, “I only have but gratitude to the coaches for this another chance to be the national team captain.

“Lalo pong mas malaking pasasalamat sa aking mga teammates for their support and respect. Makakaasa po kayo na gagawin ko po ang aking makakaya para mapanatiling buo at nagkakaisa ang aming grupo para sa bayan.

"Being a team captain doesnt mean you're the best scorer or the most skilled player, being a team captain is a responsibility to lead the team even outside the playing court at doon po ako nagpapasalamat for allowing me to contribute more.”

Samantala, narito ang ilan pang celebrities at kanilang paboritong sports: