Showbiz News

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama muli sa Amerika

By Dianne Mariano

Tuloy-tuloy ang nararamdaman na kilig ng fans kay bagong Kapuso star Bea Alonzo at sa kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque.

Ipinagdiwang ni Dominic ang kanyang ika-31 na kaarawan kahapon, Hulyo 20, sa California at nagpost siya ng isang Instagram story kung saan makikita na kasama niya ang aktres.

Sweet na sweet naman sa naturang video ang dalawa.

Hindi naman ito pinalampas ng kanilang fans at supporters at nag-post ang isang fan account ng larawan ng dalawa sa Instagram.

Isinulat nila sa caption, “BeaDom is real”

“Finally Bea Alonzo and Dominic Roque revealed their photo together in San Francisco California.”

Isa pang fan account na nagngangalang @beadom.fanpage ay nag-post din ng parehong larawan at isinulat, “Current mood ng BeaDom.”

“Happy, in love, unbothered at the same time. Para sa mga bashers #beadom #bdtravels”

Kamakailan lamang ay nakita na magkasama si Bea at Dominic sa baby shower ng anak ng dating aktres na si Beth Tamayo sa San Francisco, California.

Kitang-kita rin sa mga Instagram posts ni Bea Alonzo ang mga nakakakilig na comments ni Dominic para sa aktres.

Noong July 9, nagtungo ang bagong Kapuso actress sa Amerika para magbakasyon bago magsimula sa kanyang panibagong career.

Bumiyahe rin papuntang Amerika si Dominic.

Ngunit hindi niya inilahad kung sino ang kanyang kasama sa trip na ito.

Ibinahagi rin ni Bea Alonzo ang mga magagandang pinuntahan niya sa Amerika at tila'y mag-kapareho sila ng mga pinupuntahan ni Dominic Roque base sa kanilang Instagram stories at posts.

Samantala, tingnan muli sa mga larawang ito ang bakasyon ni Bea Alonzo sa Los Angeles, California: