Showbiz News

Lovi, nadala sa mainit na love scenes with Benjamin?



Ang ‘Horror Princess’ na si Lovi Poe ang umupo sa hot seat ng Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central last Sunday,  with funny and energetic host John “Sweet” Lapus.

Tila nahirapan si Sweet na paaminin si Lovi  hinggil sa napababalitang relasyon nito with hunk actor Jake Cuenca. Ayon sa mga katrabaho ng actress, palaging bumibisita, nagdadala ng pagkain at sinusundo ng actor sa set ang gorgeous Kapuso actress.   

Isa rin sa nilinaw ni Lovi ang pinag-uusapang daring love scenes nila ng newest Kapuso heartthrob na si Benjamin Alves. Sa kanilang pelikulang Guni-Guni, mistulang nadala raw ang actress sa mga maiinit  na pagtatagpo.

Lovi also clarified kung sino ang taong pinasasaringan niya sa kanyang controversial tweet, when she posted this on her Twitter wall: “One day, you will look into someone’s eyes and realize how much damage that person has caused you.”

Question: May namamagitan na ba sa inyo ni Jake Cuenca?
Lovi’s answer: No
Lie detector says: Lie
 
“Well in terms of you know, wala namang namamagitan. That part I don’t know, pero kasi we maintained naman ‘yong aming friendship, although constant ‘yong communication namin. Syempre rin, I don’t want it to come from me naman. Hindi rin naman kami madalas magkasama, pero madalas magka-tweet kami,” explains Lovi.

Question: May pinariringgan ka bang tao sa iyong controversial tweet?
Lovi’s answer: No
Lie detector says: Lie

“Wala naman akong pinariringgan na tao, kasi wala naman siyang Twitter. So ayun, saloobin ko lang ‘yon sa tao na wala namang access sa Twitter, but it’s really for someone,” nakatawang pahayag ni Lovi.

Question: Nadala ka ba sa daring love scenes niyo ni Benjamin Alves?
Lovi’s answer: No
Lie detector says: Lie
 
“Masasabi ko na ‘di ako nadala sa eksena, kasi mahaba siya at matagal gawin. Focused kami at isa ‘yon sa highlights ng pelikula. Mahirap din kasi na madala ka sa ganitong scene, kasi ang daming nanonood sa inyo sa set. Syempre dito sa Guni-Guni, may ganyang eksena. Importante kasi siya sa movie (love scene) at marami silang madidiskubre sa character ko,” kwento ng actress.
 
‘Di rin inaasahan ni Lovi ang pagbisita ng kanyang leading man na si Benjamin Alves at inamin nito na kinabahan din siya sa ilang love scenes nila, but he never took advantage of the actress.“ Kinabahan din ako ng onti, naaalala ko noong tinanong kami kung kailangan pa namin  ng bonding time. Pero okay na naman kami eh. We’re good, tsaka kung ano yung ni-require ng eksena, hanggang doon lang kami."

Ayon pa sa actor, he appreciates the actress pagdating sa acting at sa work ethics nito dahil wala silang naging problema sa mga scenes.

Panoorin si Lovi Poe at Benjamin Alves sa Party Pilipinas every Sunday.