Showbiz News

Alfred Vargas, masaya sa short stint niya sa 'Legal Wives'

By Nherz Almo

"Epic" kung ituring ni Alfred Vargas ang bagong GMA Telebabad series na Legal Wives, na magsisimula ngayong gabi, July 26.

Ang bagong cultural series na ito ng GMA Network ay tatalakay buhay at pag-ibig ng mga Mranaw.

"Nakita ko yung video, cinematic talaga, parang epic nga. So, I'm really proud to be part of that project," sabi ni Alfred, na sandaling mapanonood sa Legal Wives bilang kapatid ng karakter ni Dennis Trillo.

Nakausap ng GMANetwork.com si Alfred sa isang pocket interview noong Linggo, July 25.

Ayon sa aktor, hindi pa niya kayang mag-full time sa showbiz dahil abala pa siya sa kanyang tungkulin bilang representative ng District 5 ng Quezon City.

"Mabilis lang ako kasi I cannot do the lock-in taping. Nag-taping lang ako in three days.

"Pero kung [full time] in two or three installments siguro ako.

"I cannot stay one month tapos hindi ako makalabas. Yun lang ang kaya ko in terms of commitment.

"Pero I'm happy naman kasi maganda yung Legal Wives, e," sabi ng Kapuso actor.



Aminado siya na simula nang pasukin ang pulitika, pinipili na niya ang showbiz projects na kanyang gagawin.

Pahayag ni Alfred, "Wala na rin kasi akong masyadong time, so part-time ko na lang talaga ginagawa 'yung acting. I just accept roles that I really like. Ako, basta mayroon akong isang project a year, masaya na ako."

Dagdag pa niya, "Mayroon namang mga offers pero hindi ko muna iniisip sa ngayon kasi parang secondary muna sa akin 'yan.

"I just want to finish my work as a congressman. Lalo na ngayon, bumabagyo, nagmo-monitor na kami sa evacuation sites, nagmo-mobilize na kami ng mga tao. Priority talaga natin yung public service.

"Kapag mayroon tayong konting oras like weekend or recess namin, that's when I'm able to do [showbiz projects]."

Samantala, nabanggit ni Alfred na pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon, magpapahinga muna siya sa serbisyo publiko.

"Magpapahinga muna ako kasi na-miss ko rin talaga ang acting at saka medyo napagod din ako. I think, I did more than enough. Marami na tayong school buildings, gusali na napatayo. Daang-daang batas na ang atin nai-file. Marami na rin tayong natulungan.

"I think I offered the prime of my life since I became a councilor. Now, I'm 41 years old, so nabigay ko na ito.

"I quit showbiz at the height of my career. Iniwan ko yun just to be able to do this and I'm very, very, happy now.

"Ako, I'm proud of my body of work. I think it's about time na iba naman ang mamuno dito sa distrito, katulad ng brother ko na councilor ngayon, si PM Vargas.

"I just wanna focus naman sa pag-aartista, sa business, at saka sa pamilya. I'm looking forward to it," pagtatapos ni Alfred.

Narito ang ilang pang celebrities na bahagi rin ng pulitika: