Showbiz News

Herlene 'Sexy Hipon' Budol, pumalag sa 'feeling mayaman' comment

By Aedrianne Acar

Sinagot ng Wowowin breakout star na si Herlene “Sexy Hipon” Budol ang ang komentong “feeling mayaman” kaugnay ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa Toni Talks vlog na lumabas nitong weekend.

Hanggang ngayong Martes, July 27, nasa top-trending list ng YouTube Philippines ang one-on-one interview ni Toni kay Herlene, na may mahigit sa four million views na.

Sa kanyang Instagram Story, pinost ni Hipon ang negative comment na, “Feeling mayaman. Kasi dalawang negosyo na pinatay mo 'di lumago kala mo kung sino sikat na.”

Nagpaliwanag ang Never Say Goodbye actress sa nalugi niyang negosyo.

Aniya, “Kaya po ako nag-kuwento kase po tinanong po ako kaya po ako umiyak kase nakakaiyak po,

“Kaya naman po ako nag negosyo kase nag-try po ako pero lugi.

"At araw-araw po ako nagpapasalamat sa kung ano'ng meron po ako.”

May patama din ang comedienne-TV host sa netizen na sana daw ay pinanood ang buong vlog bago nag-react.

Matapang na pahayag ni Herlene, “Sana po pinapanood n'yo po ng buo at di po ako nagrereklamo kase alam kong hindi lang po ako ang naapektuhan ng pandemic God bless.

Naantig ang puso ng mga manonood nang umamin si Herlene Budol na matindi ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kanya, kabilang dito ang pagtamlay ang career niya sa show business.

Maiyak-iyak na sinabi niya kay Toni na nahihiya siya sa mga taong humihingi ng tulong dahil siya mismo ay gipit.

Kuwento niya, “Dahil sa COVID na yan, hindi rin ako makapag-reklamo kasi hindi naman lang po ako natamaan talaga.

"Kasi, naging kampante din ako, may naging mali din ako.”

“Naging kampante din ako na akala ko may pagkukuunan ako pagkatapos ng Wowowin--wala po talaga.”

“Nahihiya nga po ako kapag may naghihingi ng tulong sa akin wala ako maibigay kasi wala rin po ako.

"Hindi ko masabi sa kanila, 'Ako nga, wala akong nabibili [para] sa sarili ko'.”

Dagdag niya, “Kasi, wala po nakakaalam, 'kala po nila masayahin lang ako, pero hindi ho.

“Hindi po ako masayahin talaga. Lagi po ako umiiyak pagka kinakapos po talaga kami na wala na po ako pinagkukuunan.”

Tubong Angono, Rizal, nakilala si Herlene sa hit segment ng show ni Willie Revillame na “Wil of Fortune” taong 2019.

Heto ang ilang trivia pa tungkol sa Wowowin breakout star sa gallery below.