What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, naniniwala sa 'soul mates'

By Dianne Mariano
Published July 29, 2021 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More Pinoys repatriated from Gulf as DMW eyes alternate OFW job sites
4th generation of family in Cebu continues ‘Pabasa’ tradition
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Alamin ang nakakakilig na sagot nina Kapuso stars Sofia Pablo at Allen Ansay kung bakit naniniwala sila sa soulmates.

Ibinahagi nina Kapuso young stars Sofia Pablo at Allen Ansay o “Team Jolly” na naniniwala sila sa soul mates at ramdam ang kilig sa kanilang sagot.

Sa first episode ng Challenging, ipinaliwanag ng StarStruck Season 7 alumnus na si Allen kung bakit siya naniniwala sa salitang iyon.

Photo courtesy: GMA Artist Center (YouTube)

Aniya, “Kasi dati pinapanood ko lang si Aki [Sofia] sa TV. Nadadapa pa sa siya dun.. nasa 'Sherlock' pa siya noon.”

“Tapos isipin mo naman, bigla na lang ako nakapasok sa pagiging artista tapos makikita ko siya.”

Saad pa niya, “Tapos unang impression pa namin, masungit siya tapos ngayon ang saya saya na namin, diba? Ang saya saya natin sa isa't-isa kaya naniniwala talaga ako.”

“Hindi ko inisip na 'yung sungit na 'yun, magiging mag-ano kami...magkaibigan.”

Ayon naman kay Sofia, “basta naniniwala ako.”

Nakatutuwa naman na dagdag ni Allen, “Ano kasi yon, parang kami lang nakakaalam kung bakit siya naniniwala.”

Nang tanungin naman kung nakilala na ba nila ang kanilang soulmate ay patagong itinuro ng young actor si Sofia.

“Oo, naniniwala ako. Ayun nga siya oh,” ani Allen.

Ayon naman sa aktres, mukhang nakilala na rin niya ang kanyang soul mate pero hindi siya nagbigay ng pangalan.

Isa rin sa mga nakaka-intirigang tanong sa dalawa ay ang kanilang relationship status.

Ayon kay Prima Donnas star Sofia, special person ang tingin niya para sa aktor at "magka-ibigan” naman ang sagot ni Allen tungkol dito.

Ibinahagi rin ng Kapuso young stars na una silang nagkita sa show na Sunday PinaSaya kung saan nasungitan daw ng dating Sherlock Jr. star ang aktor.

Napansin din ni Allen na nakaharap ang cellphone ng aktres sa kanya noong mga panahon na iyon.

Aniya, “Maya maya napansin ko, 'bat nakaharap sa akin yung phone non?' Ako naman ina-assume ko 'kinukuhanan ako nito' pero sa isip ko, 'ang kapal naman ng mukha ko para isipin 'yun'”

Inamin naman ito ng dating Onanay star at sinabi, “Actually, pinicturan ko talaga siya tapos sinend ko kay mommy. Sabi ko 'mommy, hindi ba sa StarStruck 'to?' tapos sabi niya 'hala ka, nakatingin sa camera'”

Dagdag pa niya, “Alam niya pala. Nalaman ko na lang nung nagkausap na kami.”

Panoorin ang buong episode ng Challenging sa itaas at alamin ang iba pang nakatutuwa na kuwento nina Sofia at Allen.

Kung hindi naglo-load ang video, maari itong mapanood DITO.

Abangan ang fresh episodes ng Challenging tuwing Biyernes, 7:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel.

Samantala, tingnan sa ibaba ang retro-themed birthday photoshoot ni Sofia: