Showbiz News

90's sexy stars Priscilla Almeda at Leandro Baldemor, reunited sa 'Lolong'

By Racquel Quieta

Noong July 19, pormal nang inanunsyo ang full cast line-up ng bagong Kapuso adventure series na 'Lolong,' at kasama rito ang '90s sexy stars na sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor, na nagngangalang Abby Viduya at Jeffrie Baldemor sa tunay na buhay.

Sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor, balik-tambalan sa 'Lolong' / Source: Lolong

Mukhang nagkatotoo ang noon ay pinag-uusapan lamang na balik-tamabalan nina Priscilla at Leandro sa kanilang 'Mars Pa More' guest appearance noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa nasabing virtual guest appearance ng dalawa, masaya silang nagkumustahan habang kausap ang 'Mars Pa More' hosts na sina Iya Villania at Camille Prats.

“Hi, Leandro. Hi, pars,” bati ni Priscilla. “It's nice to see you again.”

“Na-starstruck na naman ako sa'yo tuloy.” pabirong tugon naman ni Leandro. “Sabi ko, nakita ko uli siya doon sa video, sabi ko parang 'yun 'yung huli nating pagkikita nun noong 1996 yata o 1997. Sabi ko parang walang nagbago sa'yo.”

Sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa kanilang 'Mars Pa More' reunion / Source: Mars Pa More

Sa nasabing interview, inalala ni Leandro ang naging papel ni Priscilla, sa pagsisimula niya sa showbiz bilang isang sexy male actor.

“Malaki ang utang na loob ko kay Priscilla. 'Yung gagawin niyang pelikula, 'yung pagbibidahan niya noon, ako 'yung napili niya kaya nagpapasalamat ako.

“Dahil sa dinami ng leading man, tapos nung nagkita kami sabi ni Boss Robbie, 'Abby okay ba sa'yo na si Jeff, ito, magiging leading man mo?' Sabi niya, 'Okay. Okay.'

“Talagang nagpapasalamat ako sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo, siguro wala ako sa showbiz ngayon.”

Kinuwento rin ni Priscilla kung ano ang naging unang impresyon niya nang makilala si Leandro.

“Nung na-meet ko si Jeff, he's super bait and so down-to-earth, and a good-looking guy and so clean! So, I'm like, 'Yes. Yes.'

“I've been lucky na puro gentlemen 'yung ka-eksena ko. Pero ito si Jeff, love ko 'yan. He's the best.”

Kaya naman na-touch si Leandro at nasabing, “Thank you. I love you.”

“Love you too!” Sagot naman ni Priscilla.

At nang tanungin ni Iya ang dalawa kung open ba sila sa posibilidad na magkatrabaho muli, sumang-ayon naman sila.

“Oh, yeah. For sure,” ani Priscilla.

“Sana. Sana nga eh,” sabi naman ni Leandro.

At ngayon, wish granted na nga ang balik-tambalan nina Priscilla at Leandro at kasalukuyan na silang nasa lock-in taping ng 'Lolong' sa isang resort sa Quezon.

Makakasama nila rito sina Kapuso Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid, mga batikang aktor na sina Christopher de Leon at Jean Garcia, at Kapuso stars na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Panoorin ang interview nina Priscilla Meirelles at Leandro baldemor sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa 'Mars Pa More' mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Alamin kung nasaan na ang ibang '90s sexy stars tulad nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa gallery na ito.