Showbiz News

Julie Anne at Elmo, mas nagiging open sa isa't isa



Kamakailan ay kumalat sa internet ang larawan ng nakakikilig na loveteam nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, na masayang nagbobonding sa isang coffee shop sa Eastwood.

Sa exclusive interview ng Startalk TX last Saturday, inamin ng young Kapuso singer-actress na totoo ngang nagde-date sila ng ka-loveteam noong panahon na iyon. “That time po kasi parang nagkayayaan po kami. Si Mo po, niyaya ako na manood ng movie which is ‘yong Dark Knight, and nagkataon na nasa shooting po kami ng Together Forever. So ayon po, lahat kami ‘di pa nakakanood noong movie na ‘yon so we all decided to watch.”

Halos dalawang taon na ring magkatambal ang dalawa, ngunit ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na pinayagan si Julie na lumabas kasama ni Elmo.  “Pinagpaalam po ako ni Elmo kina Mama at Papa, kasi ayon po ‘yong parang first time ko na lumabas with Mo. ‘Yon din ang first time niya na  lumabas with me.  I really think it is fun to hang out with him.”

Inamin din ng young diva na lalo niyang nakikilala si Elmo, at sa tingin niya’y ganun din ito sa kanya. “Parang halos araw-araw na lang kaming magkasama eh. Parang ang kulang na lang,  magkapalit na kami ng mukha ‘di ba? Actually ngayon, lalong nagiging mas-open kami at nawawala na rin ‘yong awkwardness namin. Patagal kasi kami ng patagal sa industry ‘di ba? And it’s really nice na mas nakikilala namin ‘yong isa’t isa,” nakangiting ikinuwento ni Julie.  

Sa darating na  August 15 ay ipalalabas na ang first ever Julie-Elmo loveteam movie na Just One Summer, kaya naman inamin ni Julie na medyo kabado ito sa magiging resulta ng kanilang pelikula. “Grabe ang bilis na talaga ng panahon. May times na kinakabahan ako kasi iniisip ko rin kung ano ‘yong mangyayari or kung ano ba ‘yong magiging reaction ng mga tao doon sa movie.”

Bukod pa rito’y  tiniyak ng singer-actress na siguradong sulit at maraming life lessons na matututunan mula sa kanilang movie. “Marami po kaming pinaghandaan at pinaghirapan ni Elmo and of course po, sa direksyon po ni Direk Mac Alejandre. Marami rin pong veteran actors and actresses ‘yong nandoon sa movie. So I think It’s gonna be worth watching talaga at marami silang matututunan.”
 
Panoorin si Julie Anne San Jose at si Elmo Magalona sa Together Forever every Saturday, after Startalk TX.

- Text by Paula Panganiban