advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Strong Girl Bong Soon'

1 of 7

Park Bo Young bilang si Strong Girl Bong Soon

Isang babaeng may superhuman strength, na minana niya pa sa kanyang ancestors, si Bong Soon. Mga babae lang sa pamilya ni Bong Soon ang napapasahan ng kapangyarihang ito. Magiging bodyguard siya ni Mikael, ang CEO ng company na gusto niyang pasukan, in hopes na baka maging regular employee din siya balang araw.

2 of 7

Park Hyung Sik bilang Mikael Ahn

Isang anak mayaman pero self-made CEO ng gaming company called Ainsoft. Pasaway ngunit talented, weird at masungit minsan, pero mabait naman talaga si Mikael. May tinatago rin siyang hinanakit mula sa kanyang childhood. Si Mikael ay na-love at first sight kay Bong Soon.

3 of 7

Ji Soo bilang Kenny In

High school crush ni Bong Soon na naging mala-best friend na rin ng dalaga. Isa na siya ngayong pulis na tutulungan din si Bong Soon sa pag-iimbestiga behind the scenes.

advertisement
4 of 7

Shim Hye Jin at Yoo Jae Myung

Ang parents ni Bong Soon. Malakas din dati ang kanyang mama tulad niya, ngunit may nagawa itong ipinagbabawal kaya nawala ang kapangyarihan niya. Ang papa naman niya ay may-ari ng isang cafe na specialty ang mga pastries na gawa sa walnuts.

5 of 7

Ahn Woo Yeon

Ang twin brother ni Bong Soon, na si Bong Ki, ay kabaliktaran niya. Mahina ang pangangatawan ni Bong Ki habang si Bong Soon naman ay sumobra sa lakas. Matalino at naging doctor din ang kanyang kapatid, pero si Bong Soon mukhang hirap sa pag-aaral.

6 of 7

Jeon Seok Ho

Ang secretary ni Mikael na natikman kung gaano kalakas si Bong Soon dahil sa isang simpleng laro. Magiging kakampi pa rin kaya siya ni Bong Soon sa opisina?

advertisement
7 of 7

Kim Won Hae

Isa sa mga bossing sa mga goons na makakaharap ni Bong Soon, ngunit masasaktan ng sobra dahil sa lakas ng ating bida. Tila may doppelganger pa ata siya!