Showbiz News

Kris Aquino, magbabalik-telebisyon via special show sa GMA

By Nherz Almo

Inanunsiyo ni Kris Aquino ang kanyang pagbabalik-telebisyon sa pamamagitan ng Instagram post ngayong August 5.

Sa Linggo, August 8, mapanonood si Kris bilang co-host ni Willie Revillame sa isang TV special sa GMA Network.

Ayon sa tinaguriang Queen of All Media, malaki ang naging tulong ng kanyang "real friend" na si Willie para muling makita sa telebisyon.

Aniya, "THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to cohost with him…"

Bagamat sa isang TV special lamang siya makikita, inamin ni Kris na nakararamdam siya ng takot sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Sabi ni Kris sa caption ng kanyang post, "Honestly, takot akong bumalik on TV [and all platforms FB, YT, IG, and Twitter] this Sunday because i know i'm underweight, although i'm fully vaccinated i do have autoimmune, i'm still grieving, and matagal na kong hindi lumalabas on network TV."


Gayunman, nakakuha naman daw ng lakas ng loob ang 50-year-old celebrity mula sa suporta ng kanyang fans.

Ani Kris, "BUT sabi nyo hinahangaan nyo sa kin ang pagiging “strong” ko- NOW is my chance to prove it, and why should I be scared?

"Katabi ni KCA si WBR... And for all of my followers na patiently naghintay for this moment to arrive."

Sa kanyang post, pinasalamatan din ng TV host actress sina GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes at First Vice President for Program Management Jose Mari R. Abacan para sa bagong oportunidad na ito.

Sa comment section, makikita naman ang pagbati ni Ms. Annette kay Kris.

Sabi niya, "We're so excited to watch you at the Shopee Special!"


Samantala, tingnan ang mga larawan ni Kris Aquino na naging trending kamakailan: