Showbiz News

Walang atrasan sa showdown ng biritan!

Isang milyong piso ang nakatayang ipamigay ngayong Sabado!
 
Mga kapusong makararating sa studio ang may pagkakataong makapaglaro dito para sa Easy Manny!
 
Abangan rin ang mga pangalan ng maswerteng mga nabunot ni Ninong mula sa Luzon, Visayas at Mindanao mula sa mga masugid na nagtext para makasali.
 
Sa kantahan, mga chikiting naman ang magpapakita ng kanilang talento! Walang atrasan sa showdown ng biritan sa Boksing-along Junior Division!
 
Sina Pekto at John Feir, mangangatok at manonorpresa muli! Isang maswerteng pamilya ang kanilang bibisitahin at hahatiran ng bagong hamon ni Ninong! Kung ano ito, yan ang dapat nating abangan!
 
Isang oras na puno ng premyo at kanta-tawanan! Ngayong Linggo sa Manny Many Prizes, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas.