
Ipinagdiriwang ngayong araw ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang 37th birthday.
Bukod sa mga regalo, nagpaabot din ng kanya-kanyang pagbati sa social media ang mga kaibigan ni Marian sa showbiz. Gayundin, ang ilang personalidad na malapit sa aktres.
Una na rito ang isa sa malapit niyang kaibigan na si Norman "Boobay" Balbuena.
Bukod sa ipinadalang chocolates, binati rin ni Boobay si Marian sa kanyang Instagram. Naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang magkasama sa GMA reality competition show na Extra Challenge at morning show na 'Yan Ang Morning.
"My Loves Marian Rivera, maligayang kaarawan sa iyo!!! Pagpalain ka pa at iyong minamahal na pamilya ng Poong Maykapal. Maraming salamat sa lahat, habang buhay ko ipagpapasalamat ang ating pagkakaibigan, mahal na mahal kita. Happy happy birthday My Loves," pagbati ni Boobay.
Ibinahagi rin ni Comedy Queen Aiai delas Alas sa Instagram ang pagbati niya sa kanyang "kambal." Nagkasama sa action-comedy film na Kung Fu Divas noong 2013 sina Marian at Aiai.
"Happy bday sa aking kambal Marian Rivera. I miss you and labyu. Sa IG na lang kita nakikita hehehe. Have a blast! GOD BLESS YOU MORE," pagbati ni Aiai.
Maging ang co-star ni Marian sa Encantadia at Amaya na si Ana Feleo ay nagpaabot din ng pagbati sa kanyang kaarawan.
"No matter the distance, I'm just here. And I celebrate you in my heart on your special day. Happy Birthday, Dzai!!! Te quiero mucho, Carino! Marian Rivera," sulat ni Ana sa Instagram.
Binati rin ni Vice President Maria Leonor "Leni" Robredo ang aktres at nagpadala pa ito ng mga bulaklak.
"Happy happy birthday! I hope you are able to celebrate this day with the people you love most. Take care always!" pagbati ni Leni.
Pati ang make up artist na si Steven Doloso ay binati ang aktres sa Instagram.
"My forever love, super real, sincere and straight forward person! A treasure to keep!!! HAPPIEST B-DAY Marian Rivera, I love you," pagbabahagi naman ni Steven.
Samantala, tingnan sa gallery sa ibaba ang 37th birthday celebration ni Marian: