Showbiz News

Kris Aquino confirms who her 'mystery man' is

By Aimee Anoc

Kinumpirma na ni Kris Aquino ang 'mystery man' na binigyan niya ng birthday greeting sa Instagram noong Miyerkules.

Ito ay nang sagutin ni dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang isang basher gamit ang Instagram account ni Kris.

Sinabihan ng basher na ito si Kris na burahin na lamang ang social media accounts nito dahil isa raw siyang "narcissistic" at "kawawa" lamang daw si Mel dahil sa ginagawa niya.

"Ghorl @krisaquino kung gusto mo talaga na private ang buhay mo 'wag ka na mag-post ng ganito narcissistic ka rin e. Kawawa naman ang dating DILG Secretary sa 'yo be fair. Please abolish you're social media account. Please lang day! Baka malasin pa," sulat ni @mynameisaxell.

Agad naman itong sinagot ni Kris at sinabing bakit niya kailangang burahin ang account niya na mayroong million followers. Sinabi rin ng “Queen of All Media” sa basher na ito na bakit hindi na lamang ang account nito ang burahin dahil mayroon lang itong 8 followers.

"@mynameisaxell why? Did I name names? Ikaw ang nag-greet by name and nag-assume agad... and bakit mo ko didiktahan to "abolish" my social media account? Siguro if like you I had 3 posts and 8 followers madaling gawin 'yun but when you have 4.8 million on IG and 4.5 million on FB you just don't do that because you respect the relationship you've built with the people who have come to love and trust you.

"If you are afraid about my political ambitions, that's why you called me narcissistic -- that's really not my problem. Mas mamalasin tayo kung puro ka negahan like your attitude instead of positivity and #lovelovelove. We live in a democracy and wala akong masamang pi-nost," sagot ni Kris.

Muli namang sumagot ang basher nito, "@krisaquino Madame hindi po ito tungkol sa politics. Ang sabi ko lang kung gusto mo ng private life bakit need po mag-post ng ganito. Puwede mo naman i-greet na lang siya in private. Puro ka hanash ano 'yan parang Shopee may hint. Ang narcissistic mo kaya. Ano 'yun gusto mo pag-usapan ka lagi duh! Kung tatakbo ka tumakbo ka. Kung hindi eh di hindi. Daming hanash bagay sa 'yo sa bahay na lang."

Dahil sa humahabang usapan, hindi na napigilan ni Mel na sagutin ang basher.

"@mynameisaxell hiniram ko 'yung phone ni Kris - ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalala ang lahat. 'Wag naman masamain kung nag-greet nga sa 'kin, ba't naman napunta sa malas? Eh napasaya nga n'ya 'ko kung tutuusin napakaswerte ko. Kung nagsama nga tayo sa department na minahal ko, kaunting respeto naman sa 'min ni Kris, - Mel Senen Sarmiento," pagsaklolo ni Mel.

Sinabi rin ni Kris sa isa niyang follower na hindi na nito kailangan pang hulaan dahil si Mel na mismo ang nagkumpirma.

"@torresbebot no need to guess, scroll down - he borrowed my phone to reply to this weird troll (maybe now you'll understand, that at least now there's someone with the guts to stand up for me... wala akong pinatamaan, I'm just stating facts... because for the longest time that was what my friends and followers kept telling me- that I deserved someone na handa akong ipaglaban). Maybe I'm just proof- everything happens in God's perfect time, not ours but His. All He asks is that we continue to have faith while we patiently wait," pagkumpirma ni Kris.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang throwback photos ni Kris Aquino: