GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo, nakumpleto na ang 10-day quarantine matapos ang bakasyon sa Los Angeles

By Aimee Anoc
Published August 13, 2021 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Muli na ring nakasama ni Bea Alonzo ang kanyang fur baby na si Walter.

Nakauwi na sa kanyang bahay si Kapuso actress Bea Alonzo matapos ang halos isang buwan na bakasyon sa Amerika.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres na nakumpleto na nito ang kanyang 10-day quarantine sa isang hotel at dumiretso na sa kanyang bahay.

Sa pag-uwi, sinalubong agad siya ng kanyang aso na si Walter. Dahil sa sobrang pananabik, hindi naiwasang magasgasan sa leeg ang aktres ng kanyang alaga.

"I completed my ten-day quarantine at the Manila Marriott Hotel, and now, I'm finally home, being showered with kisses from Walter," sabi ni Bea sa caption na may kasamang heart emojis.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Nag-iwan naman ng "three heart emojis" sa post niyang ito ang kanyang nobyong si Dominic Roque.

Nagpaabot din ng pagbati ang mga tagahanga ni Bea sa kanyang pagbabalik at ipinarating ang kanilang excitement sa unang proyektong gagawin nito sa GMA.

"Wish I could send my warm hug and kiss to you my ever Beautiful Queen. Glad to see you being filled with so much positivity," pagbati ni @mikaelamcshine.

"We miss you, B! Sobrang nakaabang kami sa first guesting mo sa GMA!" sulat ni @bea_nisms.

"Super ganda naman!!! Glad you're home Bea Alonzo and to Dominic Roque too!" pagbabahagi ni @amitynerida.

"Excited to see you grace at the Kapuso channel and shows!!! Excited na kami sa unang project mo for GMA! Sana heavy drama agad!" dagdag pa ni @jericoseph.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 250,000 likes at 750 comments ang post na ito ng aktres.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang masayang bakasyon ni Bea Alonzo sa Los Angeles: