Showbiz News

Game of Affection: Nalaman na ni Nikki ang totoong relasyon nina Lucky at Khae

By Aimee Anoc

Sa ikaapat na linggo ng Game of Affection, natanggap na ni Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) na wala na talagang pag-asa na magkabalikan ang kanyang mga magulang na sina Wyatt at Wilma (Chai Chatayodom Hiranyatithi at Tanya Tanyares Engtrakul).

Binalaan naman ni Khae si Lucky (James Jirayu Tangsrisuk) na sasabihin nito ang kasunduan nilang dalawa kay Wyatt kung bakit tinanggihan ang alok na kasal ng huli.

Hindi natakot si Lucky sa pagbabanta ni Khae at sinabing totoo ang nararamdaman para kay Nikki. Sinabihan din nito si Khae na siya lamang ang mapapahamak sa gagawing pag-amin.

Patuloy nang nagkakamabutihan sina Lucky at Nikki at nagiging madalas na rin ang paglabas nilang dalawa. Ipinapakita na rin ni Lucky paunti-unti ang tunay na nararamdaman para kay Nikki.

Samantala, nalaman na ni Nikki ang dating relasyon nina Lucky at Khae kaya naman mas lalong tumindi ang galit nito para sa huli. Agad na sinabi ni Nikki ang natuklasan kay Wyatt, at ang panlolokong ginawa ni Lucky sa kanilang pamilya.

Patuloy na panoorin ang Game of Affection sa GMA, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: Nikki accepts her parents decision | Episode 16

Game of Affection: Khae blackmails lucky | Episode 17

Game of Affection: It's a date Nikki | Episode 18

Game of Affection: Ambitious penny strikes again | Episode 19

Game of Affection: Nikki's evidence | Episode 20