Showbiz News

Magic Liquid Towers and iba pang experimento ngayong Linggo!



Samahan sina Chris Tiu at ang kanyang I-Bilib barkada na sina Moymoy Palaboy, Roadfill, Pauleen Luna at Vaness del Moral sa kanilang pagtuklas kung paano gagawing pambihira ang mga bagay na araw-araw nating nakikita!
 
Ang iba’t ibang uri ng liquids tulad ng honey, tubig at alcohol ay kayang pagpatungin nang hindi maghahalo-halo? Gagawin nila ang MAGIC LIQUID TOWER experiment para malaman  ang kasagutan. Magtagumpay kaya sila?
 
Puwedeng lumpiad kahit wala kang pakpak! Ano’ng gamit sa bahay kaya ang puwedeng gamitin para sa FLYING ILLUSION na ito?
 
Alamin kung ano ang mga TRIVIA tungkol sa dami ng tubig sa mundo, Pasig River at mga taong kayang magsulat ng pabaliktad!
 
Samahan din sila James at Rodfil sa kanilang EXPERIMENT TIME sa Luksuhin National High School kung saan gumawa sila ng FIRE TORNADO!
 
Alamin din mula kay Pauleen kung nakakahilo bang gumawa ng SPIN ART gamit ang isang hand-held electric fan.
 
Ihanda ang sarili sa isang kakaibang laro ang CHALLENGE 21 GAME BOARD na ginawa ng Bilibabol Pinoy inventor na si Leonardo Yu.
 
Ang isang maliit na supot ng tsaa ba ay kayang lumipad nang kusa at maging isang TEABAG ROCKET? Ang SKY LANTERN bakit  kayang lumipad nang dahil lang sa kandilang maliit?
 
Alamin ang mga nakamamanghang kasagutan ngayong Linggo ng gabi sa I-BILIB, The Wonders of Horus, Linggo sa GMA-7, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.