
Sa ginanap na virtual contract signing kaninang hapon, August 16, inamin ni Cassy Legaspi na kinabahan siya noong tanggapin niya ang role bilang Nina Acosta sa natapos na primetime series na First Yaya.
Bukod sa unang acting project niya ito, aminado si Cassy na 'di pa ganon kalawak ang kanyang experience at skills sa pag-arte. Kinabahan din siya lalo na't batikang aktor ang makakasabayan niya sa mga eksena.
"Honestly I was really scared. It was my first ever project. It was really a big deal. But once I experienced it, parang I realized that there was nothing to be afraid of, because I was in good hands."
Nawala na lang ang pressure at nerbyos dahil na rin sa kanyang mga katrabaho. Alam ni Cassy na nag-effort ang kanyang co-actors and production staff ng First Yaya na gawing kumportable at magaan ang atmosphere sa set.
"I guess it's also the people I'm surrounded with, 'yung work ko naging more of play at the same time. Yes, napapagod po ako during work but I don't really feel it as much, 'cause I have fun. It was a good first serye experience that I will never forget.
Kaya naman nang nagbalik-tanaw siya sa kanyang experience, puro pasasalamat lang ang tanging nasabi ni Cassy para sa bosses na nagbigay sa kanya ng opportunity na mapabilang sa successful na serye. "I am thankful to the bosses who chose me to play Nina Acosta, and it was really an honor to be trusted with that role. I really hope I gave justice to the character. Sana more pa!"
Balikan ang ilang mga interesting na detalye tungkol kay Cassy Legaspi dito: