GMA Logo Pokwang
What's Hot

Pokwang, kinaaliwan ng netizens sa pag-impersonate kay Madam Inutz

By EJ Chua
Published August 17, 2021 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Muling inilabas ni Pokwang ang kanyang talent sa pag-impersonate sa viral online seller na si Madam Inutz.

Kilalang mahusay na komedyante at impersonator si Pokwang.

Kaya naman upang malibang habang naka-stay at home, naisipan ni Pokwang na gayahin si Daisy Cabantog a.k.a. Madam Inutz.

Si Madam Inutz ay ang viral online seller ngayon dahil sa kakaiba nitong istratehiya sa pagbebenta ng kanyang items.

Habang nasa online selling, idinaan ni Madam Inutz ang pagkairita sa mga nakatambay lang sa kanyang Facebook Live ngunit hindi naman nagma-mine.

Imbes na magalit, nagbibiro nalang ito at sumasayaw habang naghihintay ng kanyang customers.

Sa pagpapatawa, hyper na pagbebenta at diskarte ay nakuha ni Madam Inutz ang kiliti ng netizens.

Ngunit hindi lang pala netizens ang natuwa sakanya.

Ilang artista rin ang aliw na aliw sa panonood habang nagbebenta si Madam Inutz.

Isa na riyan ang Kapuso comedienne na si Pokwang na kung saan ginaya nya ang makulit at nakakatawang pagsasalita ni Madam Inutz.

Sa Instagram ni Pokwang, nag-post siya ng isang TikTok video habang ginagaya si Madam Inutz sa kanyang pagbebenta.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas, umabot na sa mahigit 230,000 views ang video ni Pokwang.

Ayon sa caption ni Pokwang, “Ito ang nagagawa ng lockdown!!! Bumabalik ang pagiging impersonator ko hahahaha IMPOSTORA NI MADAM INUTZ!!! 7 billion views walang miners? Ahahahaha.”

Marami ang tuwang-tuwa sa kanya dahil nagsuot pa siya ng wig upang makahawig ng todo si Madam Inutz.

Gayang-gaya rin ni Pokwang ang boses ni Madam Inutz na talaga namang nakakapukaw ng atensyon sa social media.

Napuno ng good vibes at laugh emojis ang comment section sa post ni Pokwang.

Mayroon pang nag-comment at nag-suggest na kung pwede raw ay si Pokwang ang gumanap sa buhay ni Madam Inutz kapag na-feature ito sa Magpakailanman.

Comments on Pokwangs video

Muling na-flex ang talent ni Pokwang sa kwelang pag-impersonate kay Madam Inutz.

Bago nagsimulang makilala sa entertainment industry, nag-umpisang magpatawa si Pokwang sa isang comedy bar.

Ilan sa mga ginaya na noon ni Pokwang ay sina Mommy D at Annabelle Rama.