GMA Logo Julie Anne San Jose limitless
What's Hot

Full trailer ng 'Limitless,' nag-trending, lalong nagpa-excite sa mga manonood

By Bong Godinez
Published August 21, 2021 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose limitless


Celebrities and fans rave about the trailer, congratulating Julie Anne San Jose on the great project.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko ang trailer ng part one ng Limitless, A Musical Trilogy tampok ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Kagabi (August 20) ginanap ang launching ng trailer ng nasabing musical trilogy na kung saan ay nagkaroon pa ng Twitter party at IG Live si Julie Anne para samahan ang kanyang fans sa panunood.

Sinamahan din si Julie Anne nina Myke Solomon (musical director) at Paolo Valenciano (creative director) para magpakita ng suporta.

Positibo naman ang naging reaksyon ng netizens sa trailer at marami ang pumuri sa ganda ng visuals at emosyonal na mga eksena kasabay ang ilang salita mula kay Julie Anne at ilang personalidad na kasama sa video.

Ang part one ng Limitless ay pinamagatang “Breathe” at kinunan ang mga eksena nito sa ilang parte ng Mindanao.

“Goosebumps ily shoolie!! Excited for this!” comment ni Kapuso actress-host Gabbi Garcia sa Instagram matapos mapanood ng trailer.

“This looks amazing! Always been a big fan of your talent. Keep shining bright and touching hearts. Congratulations,” sambit ng dating Kapuso actress na si Iza Calzado.

Pinuri rin ng GMA broadcast journalist na si Mariz Umali ang trailer at tinawag si Julie Anne na “truly phenomenal.”

Nag-trending din sa Twitter si Julie Anne habang nagaganap ang watch party, patunay na marami ang nag-abang sa trailer ng musical trilogy.

Sa Twitter din nag-iwan ng papuri at suporta ang mga tagahanga at kaibigan ni Julie Anne.

Samantala, isa rin sa nagpakita ng suporta ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at ang asawa nito na si singer-songwriter Ogie Alcasid.

Shinare ni Regine ang naunang tweet ni Julie Anne na nag-aanunsyo ng trailer launch. Isa si Regine sa mga iniidolo na local singers ni Julie Anne.

Si Ogie naman ay nag-tweet ng “Go @myjaps” para palakasin ang loob ni Julie Anne.

Nagpasalamat naman si Julie Anne kena Regine at Ogie sa patuloy na pagsuporta sa kanyang career.

Ang “Breathe” ay mapapanood online simula sa September 17.

Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.

Click HERE para malaman ang step-by-step process sa pagbili ng tickets para sa kapanapanabik na musical event na ito.

Ang mga VIP ticket buyers ay makakakuha rin ng official Limitless merchandise shirts.

Sundan ang www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. Para sa iba pang updates, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Panoorin ang full trailer ng part one ng Limitless, A Musical Trilogy dito: