Showbiz News

Photos nina Richard at Sarah, most liked sa Instagram!



One picture showed the couple having dinner at ang isa naman ay habang tumatambay sila sa isang pool. Ibig sabihin ba nito’y mas nadedevelop at mas nagiging close ang dalawa after their paradise getaway?

Dahil ang isa sa mga hosts ng H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis) ay si Raymond Gutierrez, kinunpirma na mismo sa kanya ng mga matitinik at makukulit niyang co-hosts na sina Roderick Paulate, Regine Velasquez at Jennylyn Mercado kung ano na nga ba ang totoong score sa pagitan ng kanyang twin brother na si Richard at sa Kapuso actress na si Sarah.  

Si Kuya Dick ang unang nagtanong kay kay Mond, kung totoo nga ba ang balitang sweet na sweet ang dalawa sa kanilang Boracay getaway. "They did take a vacation sa Boracay, at actually nililibre ako doon ni Chard. Actually, he just want to treat the brothers. It’s me, Elvis and RP na gusto niyang makasama together with Sarah and her family. Gusto niya na magkasama-sama lahat and he thinks na perfect time ‘yon to know each other."

Ayon pa kay Raymond, si Sarah at Richard lamang ang nakakaalam kung ano ang real score between them. “I think close sila, but ako naman kasi I don’t think na dapat ako magsalita about that, because it’s Richard. I think the pictures can speak for itself at kung ano ‘yong nakikita niyo I think iyon na.”

Muling  nagtanong si Kuya Dick kung masikretong tao si Richard, dahil hindi nito idinidetalye kung ano ang meron sa kanila ng actress. Ito naman ang naging sagot ni Raymond.  “I don’t think he is secretive. Pero I think pagdating sa love life niya, I think he is.”

To get the latest updates on your favorite Kapuso stars and programs, visit the GMA Network website www.gmanetwork.com. - Paula Panganiban, GMANetwork.com