Showbiz News

Jinkee Pacquiao, nagpasaring sa kanyang mga kritiko

By Nherz Almo

Malaman ang naging mensahe ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang mga kritiko.

Nag-post ng kanyang larawang ang asawa ni Senator Manny Pacquiao sa Instagram kaninang umaga, August 26.

Sa caption nito, sinulat ng dating vice governor ng Saranggani, "Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. [grinning face with sweat emoji]

"Remember, people only rain on your parade because they're jealous of your sun and tired of their shade. [Smiling face with heart eyes emoji]"

Sa huli, pinaalalahanan din niya ang kanyang followers, "Spread Love! We should love one another, for GOD is love! [Folded hands and heart emojis]

"God is good all the time! [Glittering flashes of sparkles emoji]."

Matatandaan na trending kamakailan si Jinkee sa social media dahil sa kanyang OOTD sa ginanap na laban ni Pinoy Boxing Champ Manny at Cuban boxer Yordenis Ugas noong nakaraang Linggo, August 22.

Bagamat hinagaan ito ng ilan, may ilan ding hindi natuwa sa OOTD ni JInkee. Isa na rito ang beteranong entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy, "walang kahihiyan" si Jinkee dahil, “Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon."

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsuot ng mga mamahaling damit ang asawa ni Sen. Manny.

Tingnan ang mga mamahaling pambahay ni Jinkee sa gallery na ito: