
Isang housewife na nalugi ang negosyo at namatayan ng ama kamakailan ang natupad ang hiling sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang.'
Full-time housewife si Grace dela Peña na may dalawang anak at mister na isang van driver.
Tila sunod-sunod na dagok ang dumating sa buhay ni Grace ngayong panahon ng pandemya.
Bukod sa sinusuong ng kanyang mister ang panganib ng pagmamaneho kahit pa para sa mga frontliners, nalugi rin at nagsara ang maliit na negosyo online na sinimulan niya ngayong pandemya.
At nitong nakaraang buwan lamang ay biglang pumanaw ang ama ni Grace dahil sa isang aksidente.
Labis daw itong nakaapekto sa kanyang mental health dahil dinamdam niya na hindi siya nakapagbigay ng tulong na pinansyal sa ama.
Ang mister lang kasi ni Grace ang may trabaho sa kanila sa kasalukuyan.
Kaya naman matapos ang pangyayaring iyon, nagbakasakali si Grace at nag-comment sa isang Facebook post ng bagong 'Wish Ko Lang' para magkaroon ng tsansang matupad ang kanyang hiling.
Grace dela Peña, isa sa winners ng 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
At noong August 28, si Grace nga ang mapalad na natawagan at nanalo ng isang negosyo package worth Php60,000, entertainment showcase, at Wish Ko Lang money bowl.
Ayon kay Grace, “Sobrang saya ko kasi ganito pala 'yung feeling na mabunot ka, at manalo. Iba pala siya sa pakiramdam lalo na kailangang-kailangan mo.”
Ikaw rin puwedeng magwagi sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang.' I-follow lang ang kanilang official Facebook page at abangan ang bagong post kung saan dapat i-comment ng iyong wish tulad ng nasa ibaba.
At patuloy na manood ng bagong 'Wish Ko Lang' tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7, para sa mga istoryang kapupulutan ng aral at inspirasyon.