Showbiz News

Jessica Soho and her Korean look alike go viral

By Nherz Almo

Viral kamakailan ang GMA News pillar na si Jessica Soho dahil sa umano'y pagkakahawig niya sa isang South Korean personality.

Nitong nakaraang weekend, kumalat ang ilang screenshot ng Korean vocal coach na si Jo A Young mula sa idol survival show na Girls Planet 999.

Marami agad ang nakapansin sa pagkakahawig niya sa host ng kilalang magazine lifestyle show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa K-pop Facebook fan page, makikita ang larawan ni Ms. Jessica katabi ng larawan ni Jo A Young at may caption na, "Kapuso mo-seyo, Jessica Soho-imnida Lumipad ang aming team-imnida pa-Korea."

"Kapuso-yoseo, Jessica-imnida?" ang tanong naman sa isa pang fan page na nag-post ng halos kaparehong mga larawan.

Narito pa ang ilang post na nagpapakita ng pagkakahawig ni Ms. Jessica at Jo A Young:

Ayon sa isang website ng Girls Planet 999 fandom, si Jo A Young ay naging vocal trainer ng ilang K-pop idols katulad ng TWICE, (G)I-DLE, AB6IX, ATEEZ, ENHYPEN, Kwon Jin Ah, Jin Ah Lee, at Park Bo Ram.

Samantala, narito ang ilang pang local celebrities ang kanilang Korean look alikes: