GMA Logo mahal with jackie lou blanco winwyn marquez kiray celis
What's Hot

'Owe My Love' stars saddened by the passing of Mahal

By Nherz Almo
Published September 1, 2021 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

mahal with jackie lou blanco winwyn marquez kiray celis


"Nawalan ako ng isang barkada sa industriya," sabi ni Aiai Delas Alas sa pagpanaw ni Mahal, na nakasama niya sa dating GMA Telebabad series na 'Owe My Love.'

Lubos ang pagdadalamhati ng mga aktor sa dating primetime series na Owe My Love dahil sa pagpanaw ng kanilang co-star na si Mahal, o Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Kahapon ang binalot ng kalungkutan ang local showbiz dahil sa pagkamatay ng kilalang komedyante, na gumanap bilang si Mini Divi sa Owe My Love.

Sa pamamagitan ng Instagram post, inalala ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang masasayang pagkakataon na nakasama niya ang 46-year-old comedienne sa teleserye.

Ayon kay Aiai, natulala siya nang malaman ang balita, "Nawalan ako ng isang barkada sa industriya."

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Isang masayang larawan naman kasama si Mahal ang ipinost ni Kiray Celis sa kanyang Instagram account. Kalakip nito ang kanyang mensahe sa yumaong katrabaho.

Ani Kiray, "Sa liit na panahon na nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko.

"Ayoko isipin.. ayoko tanggapin.. ayokong maniwala ate noeme mahal na mahal kita."

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Ang mga bida ng dating GMA Telebabad series na sina Lovi Poe at Benjamin Alves ay nagpahayag din ng kalungkutan sa pagpanaw ng dating kasamahan.

Ani Lovi sa kanyang post, "Such sad news.. ate mahal we love you [crying face and broken heart emojis]"

Ganito rin ang mensahe ni Benjamin sa kanyang Instagram Story.

Sa kabilang banda, nagpasalamat si Winwyn Marquez sa yumaong si Mahal dahil sa pagiging ate nito sa kanya noong magkasama sila sa Owe My Love.

Sabi ni Winwyn Marquez, "Naging ate na talaga kita. Lagi mo akong sinasamahan at inaalagaan... Ate Mahal naman eh ang sakit na iniwan mo kami [sad face emoji]."

Narito ang ilan pang malulungkot na mensahe para kay Mahal mula sa co-stars niyang sina Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, at Leo Domiguez.

Samantala, narito ang ilang local celebrities na pumanaw ngayong 2021: