Showbiz News

TJ Trinidad, masayang masaya sa kanyang baby boy



Hindi maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ng Kapuso actor na si TJ Trinidad ngayong ama na siya ng isang healthy baby boy. Sa ginanap na press conference ng bagong primetime show na Aso ni San Roque, ibinahagi ni TJ sa press ang tungkol sa kanyang anak.

“We have a baby already. He’s just one month old. I’m in love with him, ibang klase [ang feeling],” nakangiting pagkuwento niya, “His name is Alonso.”

Dagdag pa niya, “We found out [about the pregnancy] three weeks before the wedding. It was like a surprise wedding gift so tuwang tuwa kami.”

Dahil ngayon lang ibinunyag ni TJ ang pagiging tatay niya, tinanong siya ng press kung ano ang feeling ng pagiging isang new dad. “Hindi ko ma-explain. Hindi siya instant. Kunwari noong ipinanganak siya, siyempre parang all of a sudden may baby ka, from nothing. So ‘yung process na kailangan sa pagpapakilala ko sa anak ko, ‘yung bonding niyo, it’s a process talaga, it’s a day by day thing. Ngayon I’m so in love with him, gagawin ko ang lahat para sa kanya,” he fondly shares.

Ano naman kaya ang mga bagong responsibilities na haharapin niya?

“Gaya ng sabi ko dati, ‘yung accountable ka hindi lang sa sarili mo kundi pati sa partner mo. You can’t just make decisions that benefit yourself, kailangan iniisip mo ‘yung pamilya mo, ‘yung unit mo,” says TJ.

Abangan si TJ Trinidad bilang Mateo sa Aso ni San Roque, weeknights pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com