Showbiz News

Ang Ghost Pendulum at Iba Pa sa i-Bilib!



Ngayong Linggo, samahan sina Chris Tiu at ang kanyang I-Bilib barkada na sina Moymoy Palaboy, Roadfill, Sheena Halili at Kris Bernal sa kanilang mga science experiments gamit ang mga ordinaryong bagay na susubukan nilang gawing pambihira!
 
Meron nga bang multong nagpapatakbo sa GHOST PENDULUM o meron bang logic sa likod ng nakakatakot na experiment na ito?
 
May magic nga ba ang mga D’ bilibers ng Pasay City South High School kaya hindi tumutulo ang tubig ng kanilang LEAK-PROOF PLASTIC BAG nang tusukin nila ito ng barbecue stick? 
 
Aling experiment kaya ang winner sa boys versus girls  EGG-SPERIMENT CONTEST ni  Chris? Ang VACUUM EGG-SPERIMENT nina Sheena at Kris o ang FLOATING EGG-SPERIMENT nina James at Rodfil?
 
Alamin kung ano ang ibig sabihin ng HOROLOGY, HIGH DENSITY POLYETHYLENE at TEMPERED GLASS… sa I-BILIB TRIVIA!
 
Si Kris naman ang magpapakita ng simpleng paraan kung paano gumawa ng HOMEMADE WIND VANE gamit ang mga bagay na makikita lang sa bahay. Nakakabilib!
 
Totoo bang meron ngang GENIE IN A BOTTLE? May ibigay kaya siyang tatlong hiling para sa mga ka I-Bilib?
 
Ano naman ang mangyayari sa GIANT TIRADOR experiment nina James at Rodfil? Mapabilib kaya nila sina Kris Bernal, Sheena Halili at  Chris Tiu?
 
Mamangha sa science ngayong Linggo ng gabi sa I-BILIB, Linggo sa GMA-7, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.