Showbiz News

Mark Herras, susubukang gayahin ang dance moves ni Dolphy



Hindi bibiguin ni Mark Herras ang mga manonood ng "Dolphy Alay Tawa, a Musical Tribute for the King of Comedy" na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Miyerkules, September 19. Isang malakaing karangalan para sa tinaguriang Bad Boy of the Dance Floor ang mabigyan ng pagkakataong sayawin ang Football Mambo ni Dolphy.
 
"Siyempre malaking karangalan na makasama ako sa ganitong klaseng event na tribute para kay Tito Dolphy. Isa ako doon sa mga napili na gawin 'yung mga ginagawa before ni Tito Dolphy like itong Football Mambo. Nakita ko 'yung video, 'yung sayaw, kakaiba po ito at ang sarap sa feeling na nakasama ako," kuwento ni Mark sa GMANetwork.com during his rehearsal para sa nasabing dance number.
 
Handa rin si Mark na matutunan at magaya ang dance moves ni Dolphy. " I'm ready to learn his dance, at the same time 'yung gusto nila talagang parang ganoon 'yung sayaw. Hindi ko man makopya si Tito Dolphy, 'yung pinakamalapit na kaya kong gawin para magawa 'yung sayaw [ang ibibigay ko]," he adds.
 
Hindi man daw nagkaroon ng pagkakataon si Mark na makatrabaho si Dolphy ay malaki ang respeto niya sa namayapang komedyante. "Noong nakita ko 'yung video ng Football Mambo, [naisip ko] ibang klaseng tao talaga itong si Tito Dolphy. Hindi lang basta-basta."
 
Makakasama ni Mark sa segment na ito ng tribute si John Prats. Ano kaya ang nararamdaman niya na magkasama silang sasayaw sa iisang stage?
 
"Actually masaya kasi [I'll be] dancing with John Prats. 'Yun kasi ang ini-issue before pero kuya ko yun eh. Masaya ako na siya 'yung makakasama kong sumayaw nito at 'yung prod na 't,o para sa akin, ay napakasayang gawin so malamang mag-eenjoy kaming dalawa dito," paliwanag niya.
 
Nagbigay rin siya ng update sa mangyayari sa kanyang role as Joaquin sa primetime series na Luna Blanca. "Dapat abangan nila kay Joaquin kung paano maibabalik 'yung memory niya. Kasi for seven years na-comatose siya, so hindi niya namumukhaan si Blanca na ka-partner niya mula nung bata pa sila. Dapat nila abangan kung papaano niya mare-recover 'yung memories na nawala sa kanya."
 
Abangan si Mark Herras bilang Joaquin sa ikatlong yugto ng Luna Blanca, weeknights pagkatapos ng Aso ni San Roque, sa GMA Telebabad.
 
Mapapanood din si Mark at ang iba pa ninyong paboritong Kapuso stars sa  "Dolphy Alay Tawa, a Musical Tribute for the King of Comedy" sa SM Mall of Asia Arena on September 19 at 7:00 p.m. Tickets are available at SM Tickets; for more information, call 470-2222.

- Text by Michelle Caligan