Showbiz News

Angelica Panganiban describes boyfriend Gregg Homan as an answer to her 'whys' in the past

By Aimee Anoc

Inilarawan ni Angelica Panganiban ang kanya ngayong non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan bilang kasagutan sa lahat ng mga katanungan niya sa nakaraan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Angelica ang mga larawan kasama ang nobyo at ang mensahe para sa kaarawan nito.

"Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.”

"Maligayang bati sa 'yong kaarawan mahal ko. Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin," pangako ni Angelica.

Bukod sa netizens, hindi rin nagpahuli ang mga kaibigan ni Angelica sa showbiz sa pagsuporta sa kanyang bagong pag-ibig tulad na lamang ni Kapuso actress Bea Alonzo na nag-iwan ng "three heart emojis" sa post niyang ito.

"Happy Birthday Gregg!!! Miss ka namin Ninang Elipanty," sulat ni Chynna Ortaleza.

"Ihhhh! Heberdey Kuya!!!" pagbati ni Glaiza de Castro.

"Happy Birthday kuya Greg!!!" dagdag pa ni Alyana Asistio.

"Grabe pareho na kayo ng ngiti," pagbabahagi naman ni Camille Prats na may kasamang three heart emojis.

Kinumpirma ni Angelica ang kanyang relasyon kay Gregg noong January 2021, sa pamamagitan ng isang post sa Instagram kung saan makikitang magkahalikan ang dalawa.

Si Gregg ang unang nakilalang non-showbiz boyfriend ni Angelica, matapos ang relasyon nito sa ilang kapwa artista tulad nina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, at Carlo Aquino.

Samantala, tingnan sa gallery ang iba pang celebrities at ang kanilang non-showbiz partners: