Showbiz News

Bagong SUV ni celebrity vlogger Kimpoy Feliciano, nabangga ng truck

By Aedrianne Acar

Mababakas sa mukha ng vcelebrity vlogger na si Kimpoy Feliciano ang gulat at lungkot sa sinapit ng bagong Ford Everest SUV nang mabangga ng isang truck.

Sa kanyang YouTube vlog noong September 7, ibinahagi ni Kimpoy ang kinasangkutan niyang aksidente, kung saan nabangga ang kanyang sasakyan nang isang truck sa isa sa mga U-turn slot sa Quezon Avenue.

Sa kabutihang palad, walang natamong injury si Kimpoy at tatlo pa niyang kasama.

Kimpoy Feliciano (Youtube)

Sa video description ng vlog, paalala ni Kimpoy sa mga manonood, “PLEASE DRIVE SAFELY. Hindi talaga natin masasabi kung kailan darating ang aksidente. Dapat lagi tayong ganda sa mga pwedeng mangyari. Kahit ganun sobrang thankful parin ako na walang nasaktan samin.

“Habang nagddrive kami nabangga kami ng truck sa likod at tumama kami sa barrier. Buti na lang mabilis ko naliko yung sasakyan at nagawa kong maihinto kundi pwedeng tumaob pa kami. Thank you Lord safe kaming apat STAY SAFE EVERYONE!”

Bago matapos ang vlog niya, nag-iwan muli ng paalala si Kimpoy sa lahat ng driver.

Kwento niya, “So kanina guys, nabangga kami…Habang papunta kami sa pupuntahan namin nabangga kami guys, nabangga kami ng truck habang nag-uu-turn.

“Minsan kahit na feeling mo safe driver ka naman, mahirap pa rin sabihin 'yung mga tao na nasa paligid mo. May mga aksidente lang din talaga, kumbaga wala tayo control sa mga nangyayari sa paligid, so ingat-ingat pa rin talaga.

“At least walang nasaktan, okay kami and sad lang si Primo nandoon, kasi hindi na siya puwede patakbuhin kasi sumampa siya sa barrier, so medyo naapektuhan din 'yung ilalim, so hindi na siya safe paandarin.”

Matatandaan na ipinasilip ng YouTube content creator ang SUV na nabili niya noong Mayo.

Bukod sa paglabas niya sa TODA One I Love (2019), parte din si Kimpoy ng rom-com series na Inday Will Always Love You (2018), kung saan bida sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Samatala, narito ang ilan sa pinag-usapan aksidenteng kinasangkutan ng celebrities: