Showbiz News

Ilang Kapuso stars, nagpasiklab sa pagrampa sa isang fashion show!



 

Naging matagumpay ang Bench Universe 2012 denim and underwear fashion show na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City last September 13.
 
Sa pagbisita ng gmanetwork.com sa bi-annual fashion show ng kilalang lifestyle brand ng businessman na si Ben Chan, nasaksihan namin ang iba’t ibang acts and gimmicks ng mga showbiz celebrities ng Kapuso station na rumampa sa entablado.
 
Very unique ang itsura ng malaking stage na mayroong apat na moshipits na puno ng mga fans at supporters ng mga artista. Tribal at futuristic ang naging theme ng Bench Universe 2012 fashion show, at sunod-sunod ang mga dance numbers at pagrampa ng mga professional models.
 
Ipinakita rin ang mga classic video clips ng Bench noong 1990’s kung saan makikita ang actor na si Richard Gomez na namamangka sa karagatan. Bukod dito, rumampa rin ang mga naging mukha ng Bench o ilan sa mga pinakamatatagal na endorsers ng clothing and underwear brand.

Napanatili ng original Bench endorser na si Goma ang kanyang charisma as he took on the ramp. Maingay na naghiyawan ang audience sa paglabas nito wearing a dark gray suit. Kasama rin sa show ang international models at alumni ng America’s Next Top Model na sina Dominic Reighared, Sophie Summer at Allison Harvard.
 
Nakipagsabayan naman ang mga Kapuso stars sa rampahan at hindi ito nagpahuli sa iba pang mga artista sa naturang fashion show.
 
Unang rumampa si Janine Gutierrez na naka-lace top at tribal print samantalang, kapansin-pansin naman ang magandang hubog ng katawan ni Stephen Silva as he went topless for the same theme.
 
Rugged naman ang dating nina Kris Lawrence at si Carla Abellana na nagsuot ng veil-like skirt and denim top.
 
Nagmukha namang engkantada sa kaputian si Bela Padilla as she rocked a feathered crown and white lace lingerie.
 
Very hot and festive naman ang dating ng mga Starstruck alumni na sina Rocco Nacino at Enzo Pineda in their colorful props and underwear kasabay ng mga miyembro ng Philippine Volcanoes rugby team na tila mga professional models naman ang dating.
 
Nagulat ang marami nang makita ang boxing champ na si Manny Pacquiao, wearing a tux with his wife Jinkee Pacquiao on his arm. Si Jinkee naman naka body-fit na gown. 
 
Modernized Victorian theme naman ang dating nina Sarah Lahbati, Benjamin Alves at Carl Guevara as they took to the ramp para sa paisley print collection.
 
Isa sa naging kapansin-pansin sa fashion show ay ang Kapuso star na si Aljur Abrenica, wearing rugged jeans and metallic wing-like battle gear. Isa ito sa naging highlights ng fashion show, kung saan nagkaroon ito ng dramatic exit matapos mag-elevate ang kinatatayuan nito. Nagsigawan sa kilig ang mga fans, and Aljur marked s his moment as he lifted his hands in the air.

Pagkatapos nito’y rumampa rin si Pancho Magno, wearing a heavy metallic backpack and black underwear.
 
Then Lovi Poe stole the limelight sa isang bombshell entrance in a bright giant sea anemone and wearing some sexy Bench lingerie.
 
Sinundan ito ng bonggang introduction kay Primetime King Dingdong, as he rode a mechanically powered viking ship. Dramatic din ang dating nito, dahil napuno ng usok ang stage as he entered with a black cloak. As he revealed himself, napuno ng fireworks ang stage at nagtilian ang mga kababaihan.
 
Maangas naman ang dating ni Mike Tan looking like a rebel in his glittery underwear.
 
Pagkatapos nito’y nakita namin ang hot momma na si Jennylyn Mercado at ang statuesque actress-host na si Isabelle Daza looking like sexy butterflies.
 
Masaya ang naging pagtatapos ng fashion show matapos ang live performance ng international band na Far East Movement through party favorite song ‘Like a G6’ kung saan nagsayawan ang mga rumampa sa stage.
 
Sa finale ng show ay binigyang-pugay ang C.E.O. ng Bench na si  Ben Chan, na lubos na nagpasalamat sa mga audience at mga tumatangkilik sa kanyang clothing brand.
 
Log on to www.gmanetwork.com to know more about your favorite Kapuso stars! -- Paula Panganiban, GMANetwork.com