Showbiz News

South Korean Dasuri Choi prefers to pursue career in PH

By Nherz Almo

Isa ang TikTok celebrity na si Dasuri Choi sa mga South Korean na nahumaling sa kultura ng mga Pinoy kaya nanatili sa Pilipinas.

Isa raw ito sa mga dahilan kaya inaral niya ang wikang Filipino.

"It's been 11 years I am here in the Philippines. Siyempre, marunong akong mag-Tagalog, 11 years na. Hello, you need to learn Tagalog. Sa mga foreigners diyan, you have to learn Tagalog. Kaya po ako nandito kasi mayroon po kaming family business here in Pampanga. I love staying here because I love the people around me. They give me a lot of love and support," kuwento pa ni Dasuri.

Nakausap ng entertainment media and bloggers si Dasuri matapos siyang ipakilala bilang bagong celebrity endorser ng Hyundai Home Appliances noong Martes, September 7.

Hangang-hanga rin daw ang 33-year-old Korean star sa pagiging positibo ng mga Pinoy.

Aniya, "Mas naa-appreciate ko dito kasi parang yung mindset nga po ng mga Pinoy, kakaiba talaga like sobrang positive. At saka it doesn't matter kung hot and humid and palaging may bagyo and everything... it doesn't matter kasi my mindset is very peaceful more than like when I was staying in Korea.”

"Sobrang [masaya] po ako dito. At sobrang hospitable ng Filipinos, everyone is very welcoming to foreigners like me," dagdag pa niya.

Bagamat hindi nagwagi sa dating Eat Bulaga contest na "You're My Foreignay," nakuha pa rin ni Dasuri ang loob ng mga Pilipino lalo na nang mag-umpisa ang pandemic noong 2020.

Nagsimula kasi siyang mag-post ng dance tutorial sa TikTok, kung saan mayroon siyang mahigit nine million followers sa ngayon. Dahil dito, naging choreographer din siya sa dating segment ng Eat Bulaga, ang "Social Dis-dancing."

Hit din ang kanyang vlogs sa YouTube, kung saan mayroon siyang 1.6 million subscribers.

Kung si Dasuri ang tatanungin, mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career dito sa Pilipinas kaysa sumubok sa ibang bansa - katulad ng ginawa ng kapwa niya South Korean na si Sandara Park, na unang sumikat dito sa bansa.

"Wala po akong dream na mag-pursue ng another career sa ibang bansa like Korea," sabi ng celebrity vlogger. "Para sa akin po kasi nagawa ko naman... Parang I tried to pursue my career din sa South Korea, I was a back-up dancer ng iba-ibang K-pop artists. Dito naman po, parang it's another challenge for me, so parang okay na po ako dito. Kung may chance naman sa ibang bansa, why not?”

"Pero ang mindset ko po, mas okay po ako dito and mas masaya po ako sa what I'm doing right now and what I have right now,” paliwanag ni Dasuri. “At siyempre, yung family business po hindi ko maiwan. As much as possible, I will help my family here in the Philippines and as much as possible, I wanna make some Filipinos happy and enjoy my show."

Samantala, tingnan ang cool OOTDs ni Dasuri rito: