Showbiz News

Kris Bernal at Juancho Trivino, todo ang paghahanda para sa fresh episode taping ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Reunited ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang 'Little Nanay' co-star na si Juancho Trivino sa 'Bokasyon' episode ng bagong 'Wish Ko Lang.' Sa Sabado, September 11, mapapanood ang Part 2 ng nasabing kuwento na tungkol sa isang guro na may Tourette Syndrome.

Sa live chat ni Kris Bernal sa official 'Wish Ko Lang' Facebook page, ibinahagi niya kung anu-ano ang struggles ng pagte-taping sa new normal para sa kanilang fresh episode.

“Ok naman. Alam n'yo naman ngayon siyempre mas strict kami. Ilan na lang din kami sa taping.

“Ang struggle for me is sanay ako na may nag-a-assist sa'kin sa taping. Kung kilala n'yo si Atey, nasa vlogs ko rin siya, si Ate Glessy.

“Alam mo 'yun, at least may nagbabantay ng gamit, may nag-a-assist sa'yo dahil nakakapagod talaga magtrabaho ng ilang oras.

“Pero ngayon talagang kanya-kanya. Kanyang punta sa location, kanyang alaga, kanyang asikaso.

'So, hindi naman sa hindi ko kaya. Kaya ko naman, but it's just that, you know, siyempre, lalo na kapag very focused ka sa work mo, very focused ka sa script mo, sa character mo, sometimes ang hirap lang din na andami mo pang ibang kailangan isipin.”

Dagdag pa ni Kris, dahil nga nasa gitna pa rin ng pandemya ang lahat, todo ang pag-iingat nila sa set.

“We strictly follow the safety protocols. We follow social distancing. Dapat naka-mask kami everytime na hindi pa naman kailangan tanggalin. And then 'yon, less chika.”

Masaya rin daw si Kris na muling makagawa ng drama episode.

“Very happy kasi alam n'yo naman ako, talagang gusting-gusto kong gumawa ng drama. Kaya itong episode ng 'Wish Ko Lang' is alam n'yo na…kaya ihanda n'yo na ang tissue n'yo kasi magda-drama tayo.”

Sa Part 2 ng 'Bokasyon,' magkikita na si Nicole (Kris Bernal), isang babaeng may Tourette Syndrome, at ang kanyang dating nobyo na si Martin (Juancho Trivino), na dati niyang iniwan para tuparin ang pangarap na maging guru.

Makakasama rin nina Kris at Juancho sa nasabing fresh episode sina Elijah Alejo, Althea Ablan, Will Ashley, Maxine Medina, Bryan Benedict at Alexandra Abdon.

Abangan kung ano ang mangyayari sa muling pagtatagpo nina Nicole at Martin sa Part 2 ng 'Bokasyon' sa bagong 'Wish Ko Lang,' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: