Showbiz News

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, magsasama sa isang pelikula

By Jansen Ramos

Noong nakaraang taon nagsimula ang shooting para sa debut film nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

May ilan ding mga larawang na-share ang dalawang Kapuso stars sa kani-kanilang Instagram account, na kuha mula sa magagandang lugar sa Samar.

Nahinto lamang ang shooting ng pelikula dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa media conference ni Rayver kahapon, September 9, para sa kanyang contract renewal sa GMA, excited na siyang bumalik sa shooting para sa movie nila ni Julie Anne na isang romantic comedy.

"Before pandemic, may ginagawa rin kaming movie ni Julie Anne SAn Jose with GMA Films. Nag-stop lang dahil nag-pandemic pero excited na ulit akong bumalik at gumawa ng mga pelikula kung meron man," pagbabahagi ng Kapuso actor-TV host.

Ayon pa kay Rayver, tiwala siyang matutuloy ang kanilang pelikula dahil marami nang nakuhanang mga eksena. Ilan sa mga ito ay kinunan pa sa ilang destination spots sa Samar gaya ng Lulugayan Falls, Ulot River, at Sohoton Cave & Natural Bridge Park.

"Marami na rin kaming nakunan, e, parang halfway na rin. Chine-check na rin nila kung kailangan pwede mag-resume," ani Rayver.

Samantala, marami ang humanga sa pagganap ni Rayver sa role niya bilang pulis sa multi-award winning Erik Matti film na On The Job.

Ayon sa Kapuso star, nais pa niyang gumanap sa iba't ibang karakter na malayo sa kanyang personalidad.

"Gusto ko, solid 'yon, kasi maganda 'yung gumagawa ng isang role na malayo na mako-compare mo s'ya sa same person e.

"And si Bernabe kasi maangas na pulis parang maangas na very Mark Wahlberg, so willing akong gumawa ng mga characters na may mga bali talaga na medyo iba sa personality ko in real life. 'Yung medyo bad boy na maangas, gusto ko 'yun."

Kasalukuyang napapanood si Rayver sa GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na pinagbibidahan nila ni Glaiza De Castro.

Silipin ang mga tagpo sa serye sa gallery na ito: