Showbiz News

'Art Angel' fan, humingi rin ng closure sa hosts na sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba

By Jimboy Napoles

Maraming mga netizen ang naging emosyonal sa trending video ng original Blues Clues host na si Steve Burns, kung saan ipinaliwanag niya ang tunay na dahilan ng biglaan niyang pag-alis sa programa.

Katulad ng fans ng Blues Clues, humihingi rin ng 'closure' ang mga manonood noon ng Art Angel sa dating hosts nito na sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba dahil sa pagkawala rin sa ere ng kanilang award-winning educational program.

“Pia Arcangel at Kuya Tonipet Gaba, kailangan din namin ng closure," sabi ng Facebook user na si Alex Joshua.

Aminadong #BatangArtAngel ang user, na nag-post pa ng screenshot nina Pia at Tonipet mula sa isang dating episode ng Art Angel.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Alex, sinabi niya malaki ang naging papel ng programang Art Angel sa kaniyang kabataan.

“Malaki ang naging impact ng Art Angel sa akin before dahil naging parte na talaga siya ng linggo ko. I always make sure to wake up early tuwing Saturday para maabutan ko ang show, weekend habit kumbaga. In terms of naging tulong nito sa childhood ko, marami.

"Aside from the fun it brings, dito rin ako kumukuha ng inspirations and techniques for my school projects during elementary. Indeed, infotainment talaga ang hatid ng Art Angel.” kwento ni Alex.


Hiling din niya na sana ay bumalik o magkaroon ulit ng mga ganitong klaseng programa na mapapanood ng mga kabataan ngayon.

“Obviously, malaking tulong ang Art Angel sa development of creative skills ng children. Especially nowadays na all of us are at home, makakatulong ang ganitong klase ng palabas upang patuloy na matuto ang mga bata habang nalilibang.”

Kaya naman hindi niya napigilang mag-post sa facebook at humingi ng “closure” kina Pia at Tonipet sa pagkawala ng 'Art Angel'.

“Actually, ang inspiration ng post na ito ay si Steve from Blues Clues. Recently, nag-trend 'yung video statement niya regarding his disappearance sa show.

"As a fan din ng Blues Clues, I felt somehow relieved knowing na 'di niya tayo nakalimutan after 25 years, and most importantly, proud siya sa atin.

"Bigla kong naalala na bukod sa Blues Clues, I regularly watch Art Angel din, and I became curious, 'Ano kayang nangyari kay Ms. Pia and Kuya Tonipet?' Knowing na nawala rin sila sa show, p'wede bang malaman kung bakit? Kasi malaki rin ang naging epekto sa viewing habit namin nu'ng na-reformat 'yung show.”

Pero bago pa magpaliwanag sina Pia at Tonipet, may mensahe na si Alex para sa dating Art Angel hosts.

“To Ms. Pia and Kuya Tonipet, in behalf of all #BatangArtAngel, I would like to thank the both of you for playing a huge part in our awesome childhood.

"Sana po alam ninyo na maraming mga bata ang natuto mula sa Art Angel na ngayon ay mga young professionals na. We hope na like Steve, proud din kayo sa amin. I hope to meet you soon.”

Samantala, nagkomento si Tonipet sa post ni Alex at sinabing, "Walang closure dahil ang Art Angel ay habambuhay. Sending our love to all our Batang Art Angels everywhere! Hugging everyone right now…"

INSET: tonipet gaba

Napanood sa telebisyon ang programang Art Angel taong 2004 hanggang 2011 at muling ipinalabas ang throwback episodes nito Mayo ng nakaraang taon (2020).

Kasalakuyang host si PIa ng Tunay na Buhay sa GMA-7 habang si Tonipet ay host ng lifestyle review show na PopTalk sa GTV.