
Sunod-sunod na papuri ang inani ng pelikulang On the Job: The Missing 8 at ng stars nito na sina Dennis Trillo at John Arcilla sa 2021 venice Film Festival.
Si Dennis ay personal na nilapitan at pinuri ng Hollywood stars na sina Cynthia Erivo, Sarah Gadon, at ng jury member na si Alexander Nanau matapos ang premiere ng kanilang pelikula.
Samantala, nanalo naman bilang Best Actor si John Arcilla sa 78th Venice Film Festival. Ito ang kauna-unahang pagkakataong may Pinoy na nanalo ng nasabing prestigious award sa naturang international film festival.
At bukod pa riyan, umani pa ng five-minute standing ovation ang pelikulang On the Job: The Missing 8 matapos ang 3.5 hours film viewing nito.
Sa Instagram stories ng digital colorist na si Biba Abiera, makikitang pinapalakpan ng audience at jury members sina Direk Erik Matti, Dennis Trillo, at iba pang bumubuo ng pelikula.
Direk Matti, Dennis Trillo at iba pang bumubuo ng 'On the Job: The Missing 8' umani ng 5-minute standing ovation sa 2021 Venice Film Festival / Source: @bibabie (IG)
Congratulations sa ating Kapuso star na si Dennis Trillo at sa bumubuo ng On the Job: The Missing 8.
Tingnan ang iba pang memorable roles ni Dennis Trillo sa gallery na ito.