GMA Logo jasmine gonzales
What's Hot

Sampaguita vendor, nanalo ng negosyo package worth Php 60k sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published September 14, 2021 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

jasmine gonzales


May bagong kabuhayan na, may pampaayos pa ng bubong! Alamin kung anu-ano pa ang napanalunan ng isang sampaguita vendor sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang.'

Isang Sampaguita vendor at loyal viewer ng bagong 'Wish Ko Lang' ang nabiyayaan ng mga papremyo sa 19 Instant Wishes promo nitong Sabado, September 11.

Simula pagkabata, ang pagiging Sampaguita vendor na ang naging kabuhayan ng pamilya ng 36-year-old na si Jasmine Gonzales.

Maliit pa lamang siya ay ang pagtutuhog, pagrarasyon at pagbebenta ng Sampaguita sa Quiapo na ang ikinabubuhay nila.

Sa kasamaang palad, maagang naulila si Jasmine kaya hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Tanging ang pagbebenta ng Sampaguita ang pinagkunan niya ng ipangtutulong sa kanyang mga kapatid hanggang sa kinalaunan ay nag-asawa na siya at nagkaroon ng sariling pamilya.

jasmine gonzales

Ang Sampaguita vendor na si Jasmine Gonzales / Source: Jasmine Gonzales/Wish Ko Lang

Ngayon ay may tatlo nang anak si Jasmine. Dalawa ang naging anak niya sa una niyang asawa. Hiwalay na sila at may sarili na ring pamilya ang lalaki. At may isang anak naman sila ng kanyang kinakasama.

Isa sa naging matinding dagok sa buhay ni Jasmine ay nang malulong sa masamang bisyo ang kanyang kinakasama. Napagdesisyunan niyang isuko ang kinakasama sa mga kinauukulan upang makapagbagong-buhay na ito.

Sa kasalukuyan ay nakatira si Jasmine at kanyang mga anak sa bahay na iniwan sa kanya ng kanyang ate. Ang problema ay sira-sira na ito at wala pang kuryente at tubig.

Bukod pa riyan, kapag masama ang panahon, kinakailangan pang ipakiusap ni Jasmine sa mga kamag-anak na patuluyin ang kanyang mga anak sa kanilang bahay upang huwag silang mabasa ng ulan.

Hirap din makalikom si Jasmine ng pera para mapaayos ang kanilang bubong, lalo na at humina rin ang benta niya bilang Sampaguita vendor ngayong panahon ng pandemya. Pinagkakasya na lamang niya ang 100 pesos na kita niya para sa ara-araw nilang gastusin.

Kaya naman ang naging hiling ni Jasmine ng sumali sa 19 Instant Wishes promo ng bagong 'Wish Ko Lang' ay mapaayos ang kanilang bubong at magkaroon ang tablet ang kanyang mga anak na magagamit sa kanilang pag-aaral.

winner

Si Jasmine Gonzales, winner ng 19 Instant Wishes promo noong September 11 / Source: Jasmine Gonzales/Wish Ko Lang

At noong Sabado, September 11, si Jasmine ang masuwerteng winner sa 19 Instant Wishes promo.

Pinagkalooban si Jasmine ng 'Wish Ko Lang' money bowl na maaari niyang magamit para mapaayos ang kanilang bubong, tablet na para sa pag-aaral online ng kanyang mga anak, at negosyo package na worth Php 60,000.

Ikaw rin maaring matupad ang hiling sa 19 Instant Wishes promo ng ng bagong 'Wish Ko Lang.'

Manood lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7 at abangan ang post sa official Facebook page ng programa kung saan mo dapat i-comment ang iyong hiling.

Makakapulot ka na ng aral at inspirasyon sa mga tampok na kuwento, may tsansa pang matupad ang hiling mo sa bagong Saturday afternoon habit ng bayan, ang bagong 'Wish Ko Lang.'