Showbiz News

Marian at Heart, nagkaayos na!



Matapos ang halos 15 buwan  na hindi pagkakaunawaan, kinunpirma ng dalawang Kapuso stars na sina Primetime Queen Marian Rivera at Heart Evangelista na in good terms na sila sa exclusive interview ng Startalk TX.
 
Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakasunduan ang dalawang aktres sa shooting ng  pelikulang  Temptation Island kung saan parehong nakasama ang dalawa sa cast.
 
Sa muling pagkikita nina Marian at Heart sa special taping ng Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy,  nagkaroon sila ng chance na mag-usap ng masinsinan. Sa panayam ng Startalk TX , hindi nila itinanggi na talaga ngang nagkabati na sila. "As much as possible I wanted to be okay with everybody. So when there's an opportunity at mukhang okay naman ang lahat, mararamdaman mo naman kung okay talaga 'yong timing and it would not be a problem if you will approach them. Darating naman talaga 'yong time na magkakaroon ka ng conflict tapos maayos naman 'yong problema basta't humble ka and you wanted to fix 'yong nangyari sa past," sagot ni Heart. Ayon naman sa Primetime Queen, "Huwag na nating pag-usapan iyon, dahil okay naman kami! Okay at wala na kaming problema," nakangiting sinabi nito. 
 
Heart and Daniel, nanatiling good friends
 
Sa nasabi ring event, nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap sina  Heart at ang dati nitong boyfriend na si Daniel Matsunaga. 
 
Ayon sa aktres wala naman itong problema kung makikita at makakatrabaho ang dating nobyo dahil naging mabuting magkaibigan naman sila. "We are really good friends, it's nice kasi it's not all the time that you can be good friends with your ex-boyfriend. More than anything he is also a very good friend of mine kasi we started out as friends and we will remain friends."
 
Sa panig naman ng Brazilian-Japanese Kapuso hunk, sinabi nito na constant pa rin ang communication nila ng dating nobya. "We still talk and we had a long relationship before, that's why there's no reason for being mad or having any bad feelings. I'm really happy for her life now."
 
Samantala, nasa 'getting to know you' stage pa rin sina Heart at Senator Francis "Chiz" Escudero kahit madalas na lumalabas ang dalawa. 
 
Comfortable ang Luna Blanca star na makasama ang pulitiko dahil sa wit and humor nito. "We are not together like that, but we have good conversation and we spend a lot of time  talking to each other. It's a nice feeling, but it's nothing like the way people thinks."
 
Abangan ang bagong role ni Marian Rivera sa Temptation of Wife, at panoorin si Heart Evangelista sa Luna Blanca mula Lunes hanggang Biyernes  pagkatapos ng Aso ni San Roque sa GMA Telebabad!