GMA Logo jamill on youtube
What's Hot

YouTube couple na JaMill, magbabalik sa vlogging

By Jimboy Napoles
Published September 15, 2021 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

jamill on youtube


Tila nagpahiwatig ang YouTube star na si Camille Trinidad sa pagbabalik-vloging niya at ng kanyang boyfriend na si Jayzam Manabat.

Ilang linggo lang matapos ianunsiyo ng internet couple na JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel, nagpahiwatig si Camille Trinidad sa kanilang pgababalik vlogging.

Matatandaan na sinabi nina Camille at Jayzam Manabat na isinara nila ang kanilang YouTube channel upang mag-focus sa kanilang personal na buhay

Pero kahapon, September 14, tila nagpahiwatig ang magkasintahan sa kanilang pagbabalik sa vlogging.

Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na smiling emoji) abangan!!!”

Source: camilleptrinidad (IG)

Maging ang kanilang 'mandirigma' fans ikinatuwa ang mga hint na ito.

Source: jamillph (IG)

Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.

Source: camilleptrinidad (IG)

Nakabuo rin ng matibay na pagkakaibigan ang JaMill sa kanilang kapwa vloggers at ilang celebrity vloggers.

Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.

Samantla, narito ang ilang pang vlogger couple na nagkaproblema sa kanilang relasyon: